PERLA'S POV Malakas akong napasinghap at napayakap ng tuluyan kay Magnus ng marinig ang sinabi ng doktor. Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Pero sa pagkakataong ito ay dahil sa tuwa at pagpapasalamat na! Successful ang operasyon ng kapatid ko! Oh god! Pagkatapos ng walong oras na paghihintay at pagdarasal ay eto na.. Maraming salamat po! Umiiyak din akong yumakap kay nanay na kagaya ko ay puno din ng luha ang mga mata. "Ang kapatid mo, Perla! Ayos na siya! Oh jusko!" umiiyak na sambit ni nanay habang nakayakap sa akin. "Thank you, Magnus. Thank you so much!" bulong ko at yumakap ulit sa kaniya. "Anything, love. You can ask me anything you want, ibibigay ko iyon sayo." madamdamin niyang tugon at hinalikan ang aking sintindo. Nagpasalamat din si nanay kay Magnus b

