ALEXA'S POV Tatlong linggo.. Tatlong linggo ko nang hindi nakikita si Andrius. Amost 1 month na.... Hindi ko siya nakikita but I can always feel him. Sa loob ng tatlong linggong iyon ay araw araw niya akong pinapadalhan ng paborito kong bulaklak, na may kasamang bavarian cake. I don't know kung paano niya nalamang gustong gusto kong kainin iyon but maybe sina mommy ang nagsabi. Sa bawat cravings na kinakain ko ay alam kong siya ang bumili nun. Hindi niya pa din alam ang kalagayan ko. Hindi niya pa din alam na buntis ako, oh well hindi din naman halata because my tummy is still small! Kayang kaya padin iyong itago sa hindi fitted na mga damit specially hoodie. Pero masaya akong tingnan ang aking tiyan dahil super halata na ang baby bump ko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman k

