"Hindi ka ba mag celebrate ng birthday mo ngayong buwan." tanong ni mama sa akin habang naglalakad kami sa loob ng grocery store. "Iyon ay dahil wala akong planong mag celebrate ng birthday ko mama." Merkules ng gabi pagkatapos ng trabaho ko ay, nagpasya akong mag-grocery kasama ang mga bta at gusto ni mama na sumama. Karaniwan kong inilalaan ang aking pamimili para sa katapusan ng linggo kapag ako ay walang pasok, ngunit ang mga bata ay nauubusan ng ilang stocks at ito ay pinakamagandang araw para mamili ng kailangan ng dalawang bata. "Bakit hindi ka mag celebrate?" "Dahil wala akong pakialam sa kaarawan ko mama." Sabi ko rito. "Wala kang pakealam? Analyn Twenty-Six ka na bukas. That's a blessing. Dahil nabuhay ka hanggang sa taon na yan. " "I know that mom and I'm so grateful, but

