Dumating ang Lunes ng umaga nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Lahat ng inaalala ko ay biglang pumasok sa aking isipan at sinubukan kong pigilan ang aking nerbiyos habang iniimpake ko ang aming mga gamit sa bag. Ang sabi ni Jethro ay 8:30 am na siya andito at 7:15 na. Paikot-ikot ako sa bahay habang naglalaro ang mga bata sa kwarto nila. Halos apat na salita na lang nasabi sa akin ni Erji simula noong Sabado at hindi ko siya lubos na masisi. Dahan-dahan siyang naghanda para sa trabaho na hindi ako pinapansin gaya ng dati at pinilit kong hindi ito mapunta sa away ulit. Katatapos ko lang mag-impake ng mga bag namin nang dumating si Manilyn. "Sige sige, nandito na ako sa bahay ni Analyn." Sabi niya. Inilagay ni Manilyn ang kanyang bagahe malapit sa front door nang makapasok siya. Nakas

