ONE YEAR AGO "Hope! Wag mong hahawakan Ang mga yan baby. Awat ko sa makulit na batang gustong kunin ang decorations ng Christmas tree. Muli kong hinila ang maliliit niyang kamay mula sa Christmas tree. Makailang ulit ko na siyang pinigilan para wag niyang kunin ang mga palamuti doon. "Faith! Wag kang aakyat diyan! Ugh!" Inilapag ko si Hope sa tabi ng couch at kinuha si Faith mula sa coffee table na may dala dalang cookies. "Ano bang nangyayari sa inyo ni ate!" Pinaghahalikan ko ang munti niyang mukha at humagikgik siya sa tuwa. Nakarinig ako ng ingay mula kay Rock at Napatingin ako kay Hope na tumatakbo sa likod ni rock at hinihila niya ang buntot nito. "Hope no! Geez, baby wag mo ng gagawin iyon." Inilagay ko si Faith sa playpen at hinawakan si Hope bago pa niya matakot si Rock.

