"Mamaya na lang kita kukuwentuhan Analyn." Kumindat si Jaylyn at tinungo na ang elevator. "Analyn, I'm expecting acompany later today." "Oh sige, anong pangalan niya?" tanong ko sa kanya. "He is my brother in law." tugon nito. "Oh! Sige, sisiguraduhin kong maayos ko siyang maasikaso pagdating niya." Sabi ko. Bumalik na si Jethro sa kanyang opisina, habang ipinagpatuloy ko ang aking trabaho. Lalong lumalala ang nararamdaman ko sa paglipas ng mga oras ang nakakangawi na sakit sa aking likod mula kanina at sinusubukan kong lang huwag pansinin ito. Sa huwebes pa Ang schedule kong check up sa aking Doctor, Pero nakakaramdam na ako ng papanakit ng balakang ko, at tuloy tuloy na ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito at tiniyak sa akin ng aking doktor na ito ay nor

