SETHRO POV NASA kamay ko na ang DNA test results Hinawakan ko ng mariin ang papel sa aking mga nanginginig na mga kamay. Paulit-ulit kong binasa ang mga nakasulat, at hindi pa rin ako makapaniwala. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha sa aking mga mata Naging malabo ang mga nakasulat nasalita sa DNA test at nahihirapan akong panatilihing Nakatayo sa lupa ang mga paa ko. I am a father. Holy s**t, isa akong ama. Ni hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ang mga nararamdaman ko. Hindi ko pa nga iniisip ang magpakasal at ngayon ay may mga anak na ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kaya gagawin ko kapag nakita ko si Analyn Coguit, ngunit hindi ito ang tamang oras para sa kabahan o panghinaan ng loob. Naakit niya ako ng kanyang mga matang kulay asul simula sa unang pagkakataon na

