"Tapos ka na bang hindi ako pinapansin pa?" tanong ni Jaylyn sa akin pag-pasok ko sa opisina. Pinikit ko ang mata ko, "Good morning sayo din." sabi ko. "May nagawa ba akong masama sayo?" "Wala Jaylyn, masama lang ang pakiramdam ko." Sabi ko. "Analyn cut the bullshit, may nangyayari ba na hindi ko alam?" tumayo si Jaylyn mula sa kanyang mesa para harangin ako sa pagpasok sa elevator at napabuntong-hininga na lang ako. Ang gusto ko lang gawin ay pumunta sa aking mesa at tapusin ang aking trabaho nang payapa. "Jaylyn marami akong gagawin ngayon, pwede bang tumabi ka na?" may konting inis kong sabi sa kanya. "Not until you tell me what's wrong?" She folded her arms and arched her brow. "I have a lot going on in my head, sasabihin ko na lang sayo mamaya kapag ready na akong sabih

