5 YEARS LATER… Krinnnng! Krinnnng! Krinnnnng! Nagising si Justin nang marinig niya ang sunod-sunod na pagriring ng kanyang phone na nakapatong sa side table malapit sa may lampshade. "f*ck!" mahina niyang mura dahil inaantok pa talaga siya at masakit pa ang kanyang ulo dahil may hangover pa siya. Pikit pa ang kanyang mga mata nang kapain at abutin niya ito para sagutin ang sinumang istorbong tumatawag sa kanya ngayon. "What?" suplado niyang sagot sa namamaos na boses ngunit nanatiling nakapikit pa rin. "What the hell?! Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?! Tanghaling tapat na!" ang mainit na ulong sagot naman ni Gavin sa kabilang linya na siyang tumatawag sa kanya. "Nagpapatawa ka ba? Baka nakalimutan mong magkaiba ang oras natin..." tugon niya at nanatili pa ring nakapikit

