Gigil na gigil si Justin habang walang tigil niyang hinahampas ang manibela ng kanyang sasakyan. "Damn it! Damn it! Damn it!" galit na galit niyang sigaw sa loob ng kanyang sasakyan. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman ngayon. Pakiramdam niya ay pinukpok ng pinung-pino ang puso niya. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sakit nito. Hindi niya akalain na sa isang iglap ay matatapos na ang lahat sa kanila ni Daniela. Matapos niyang pinag-isipan ang lahat kanina ay isang desisyon ang bigla-bigla na lang niyang naibulalas dito na labis naman niyang pinagsisihan ngayon. Hindi niya alam kung bakit hindi niya na kontrol ang sarili at nasabi niya pa iyon kay Daniela. Pero hindi na niya kinaya pa ang pambabalewala nito sa kaniya. Ramdam niya na iyon simula pa kaninang umaga. Pero pilit niy

