"Celine? I'm sorry, but who are you?" Narinig niyang tanong ni Justin sa babae na tumawag dito pagkababang-pagkababa pa lang nila sa kotse nito. Kagad rin siyang napabaling sa babae. At sa hindi maipaliwanag, kaagad sumama ang timplada niya nang makita ito. "I'm Celine." ulit nitong pakilala at ngumiti nang matamis. Bumaling sa kanya si Justin at hindi nakatakas sa kanya na tila naging mailap ang tingin nito na ipinagtataka niya. Tumingin siya sa babae at pinasadahan ito nang tingin. Maganda ang babae at matangkad rin na sa tingin niya ay magkasing-tangkad lang sila nito. Pero lihim siyang natuwa dahil kung paseksihan lang labanan, mas lamang na lamang siya sa Celine na 'to. Kaso ang nagpapasama talaga ng timplada niya ay ang ayos nito na mukhang proud na proud ito sa sarili. Lalo

