WARNING!!! SPG AHEAD. Please, read at your own risk. "DANI, come! Join us!" Nakangiting yaya sa kanya ni Bella nang makarating sila ni Justin kung saan ang mga ito. Sa may VIP room lang din ang mga ito na nasa katabing silid lang din kung sila kanina ni Justin. Napansin niyang hindi na kumpleto ang RC boys dahil wala na roon sina Dale at Harry. Sa tingin niya ay umuwi na ang mga ito gaya ng sinabi ni Darwin kanina. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at napansin niya ang isang magandang babae na katabi ni Jay na nakatingin din sa kanya at ngumiti ng tipid. Ngumiti rin siya dito sabay tango ng mahina. "Hi, I'm Devon!" Pakilala nito sa kaniya saka tumayo. At napasinghap na lamang siya nang makipag-beso-beso ito sa kaniya. Kaya nakipag-beso-beso na rin siya dito. "You must, Daniela,

