Chapter 46

2196 Words

Napabalikwas ng bangon si Justin nang magising siya kinaumagahan. Nagulat pa siya nang makitang nakahiga na siya sa kama. Awtomatikong napalingon siya sa kanyang tabi sa pag-aakalang naroon pa si Daniela at isang masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang wala na nga ito sa kanyang tabi. Pumikit siya ng mariin at huminga sabay buga ng marahas. Napuno ng kalungkutan ang puso niya sa umagang 'yon nang hindi na niya ito mamulatan sa kanyang paggising. Pakiramdam niya ito na ang simula na mababaliw na siya ng tuluyan dahil sa paghihiwalay nila ni Daniela. Wala na ito at tuluyan na nga siyang iniwan nito. Tapos na rin ang kanilang relasyon at kailanman ay hindi na mabubuo muli. Lalo na nang maalala niya ang sinabi nito kahapon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD