69

1333 Words

Pagpasok ko sa loob ng apartment ay dumiretso agad ako sa kwarto namin para kunin ang dalawang pearl na bigay sa akin nina Lola at Sofi. Kinabahan pa ako noong una dahil hindi ko nakita. Hanggang sa maalala kong nilagay ko nga pala sa closet iyon dahil pati sina Tita Leona at Lira ay dito na sa kwarto natutulog. “Wala rin dito,” Nawalan na ako ng pag-asa. Nasaan ang mga pearl? Dito ko lang iyon inilapag. Napaupo ako sa kama at napahilot sa sentido. “Nasaan ang mga pearl?” Tanong ko sa sarili ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Dito ko itinabi ang mga iyon. Bigo akong lumabas ng kwarto. Hindi kaya, kaya nangyari ang bagay na iyon kay Liam ay dahil nawala ko ang dalawang pearl? Hindi lang mapapahamak kun’di babawian ng buhay ang bata dahil ang dalawang pearl ang nawala. Pati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD