"Eya," Kinuha ko ang atensyon niya pagkatapos mawala ng iba pang computerized human. Sana man lang ay maunawaan niya ang hihilingin ko. Nawa'y hindi maging hadlang si Wival sa gusto kong mangyari. "Do you need anything?" Tanong niya sa akin. "Ayoko munang may kasama. Kung puwede lang sana ay huwag muna nila akong samahan pa dito. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ako mabo-bored." "I'm sorry, I don't understand." Confused si Eya sa lahat ng sinabi ko. Mabilis ko ring ni-translate sa English para maintindihan niya. "I can handle myself. I don't need anyone to entertain me. You can take them with you and tell Wival that I can be alone here until the last day. No need to worry about me." "Are you sure?" She asks. Making sure that I can be alone for the remaining days I will stay he

