"Good morning, unknown. Welcome to Wival. How can I help you?"
"Please let me in. I'm super cold. I need to get inside." Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko pati na ang katawan. Sobrang lamig talaga dito. Feeling ko kapag nagtagal pa ako ay maninigas ang buong katawan ko.
"I'm sorry but I can't identify you. Who are you?”
“Palagi mong tandaan, kapag tinanong ka sa Wival, isa ka lang boluntaryo. Iyon ang sabihin mo para mabilis ka nilang makilala.”
Naalala ko ang sinabi sa akin noon. Kaya naman mabilis akong nagpakilalang boluntaryo sa computerized na tao sa harapan ko.
"I'm a volunteer. I'm Adira Montes. Please let me in. I'm shivering. I can't take this cold anymore."
"Please wait a minute," sa screen niya, maraming lumabas na name, hindi ko maintindihan ang nakasulat doon dahil maliliit ang letra.
Pinaikot ko ang mata ko sa inis dahil sa narinig. Ilang minuto pa ba ako maghihintay? Hindi ba puwedeng buksan na lang nila agad ang pinto para makapasok ako? Hindi ko na kakayanin kapag nagtagal pa ako rito sa Ringway. Nangangatog na ang buong katawan ko dahil sa lamig. Namamanhid na ang mga paa ko. Mas dama ko ang lamig sa paa dahil tinapak ko iyon sa sobrang lamig na tubig kanina. Medyo natutuyo na nga ito.
"Hello, Adira. I'm sorry for keeping you waiting. Thank you-"
"It's okay, just shut up and open the door. Please let me in!" I'm shivering to death. Pero kung ito na talaga ang ikamamatay ko, ikasasaya ko 'yon. Iyon naman ang pinunta ko dito sa underwater. I want to die. Kaya ano bang inirereklamo ko? Angil ko sa sarili.
"Adira. Wival wants to scan your face first. We have to compile your data. Please look straight at the Red Wival."
I quickly arranged myself in front of the metal door. It has a red spot from it so I assumed that's where I should look. Ignoring my shivers, I stood up straight and tried to look not messy in front of this device. My lips are trembling too much. I can't stop it. It's really so cold.
Pagkalipas ng ilang saglit ay may bumabang pearl mula sa itaas.
"Please take the pearl. This serves as your ID and your access to the Wival's technologies and equipment."
As much as I want to appreciate the beauty of the pearl, I can't. I'm focused on how to get inside of The Wival. I'm really cold. I can't even feel some parts of my body now.
"Salamat. Puwede mo na bang buksan ang pinto?"
"I'm sorry, I don't understand."
"Can you please open the door now?"
"Apologies, Adira. Please scan your pearl at the Blue Wival to open the door."
Mabilis kong inilagay sa blue spot ang pearl at namangha ako nang bumukas ang kansa'ng pinto. Sa wakas! Binuksan na rin nila ang pinto. Makakapasok na ako at makakapagpainit ng katawan.
"Thank you, whoever you are."
"You're welcome. Enjoy your stay here. Have a great day, Adira!"
Hindi na siya sumunod sa akin sa loob. Nanatili siya sa labas. Nakangiti lang siya sa akin hanggang sa tuluyan nang magsara ang pinto ng Wival.
"Welcome to Wival Home."
Halos mapalundag ako sa gulat noong may nagsalita sa tabi ko. Kanina wala naman ibang tao bukod sa akin pero ngayon may lalaking malawak din ang ngiting nakatingin sa akin ngayon. Tulad noong babae kanina, computerized din itong lalaki. Dumako ang tingin ko sa ibaba at mayroon din doong device tulad kung saan lumabas 'yung babaeng bantay sa pinto. So bawat ganitong klase ng device ay may computerize na tao? Nakakamanghang teknolohiya. Iba na talaga ang panahon ngayon. Napaka-advanced na ng mga tao pagdating sa mga kagamitan.
"Forgive me, Adira, did I scare you?"
"No, It's fine." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. It's weird. I feel normal. Kusang nawala ang lamig ko at ang pagiging kulay abo ng balat ko dahil sa lamig. Yung nagtatangkang sipon ko ay hindi rin natuloy. Yung temperatura dito sa loob ay sakto na. What the hell just happened? This is insane.
"How kind you are. I'm happy to meet you, Adira."
"How did you know my name?" tanong ko sa kaniya, puno ng pagtataka ang tono ng boses ko dahil hindi ko naman sinabi sa kaniya ang pangalan ko. "Nice to meet you too," Hindi ko sila puwedeng kausapin sa salitang Tagalog dahil hindi nila ako maiintindihan tulad ng nangyari kanina sa labas. Naalala kong sinabi pala sa akin ni Mr. Sandiego na ang tanging paraan sa paggamit ng technologies, devices at equipment dito sa Wival ay ang lingguwaheng Ingles. Nga pala. Hindi ko nakuha ang name nung babae sa labas.
"You're in the database, Adira. Sofi scanned you," he explains. So Sofi ang name ng babae sa labas kanina. "By the way, I'm Justin. Only Justin 'cause we don't have surnames."
"Justin. Stop smiling. It's creeping me out. Can you?"
"I can't stop smiling. I'm happy that you're here at Wival Home. I want to welcome you wholeheartedly,"
"Okay? I'm fine and thank you so please drop your smile. It's really creepy,"
Nawala nga ang malawak na ngiti sa labi ni Justin pero nandon pa rin ang pagkausli niyon. He still smiling, slightly.
"You're still smiling."
"This is my normal face, Adira."
Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tanungin. "So what is your purpose here, Justin?"
Sinabi noon sa akin ni Sir Elixir na may mamemeet akong ilang taong computerized depende sa kung sino ang nais magpakita sa akin. At lahat sila ay may kaniya-kaniyang purpose. Kaya naitanong ko ang tanong na 'yon kay Justin.
He smiled widely, automatically, as he heard my question. "I'm glad you asked. Well, I am here to tour you. You will see me just once and it's just for today. So grab this chance and always look at my handsome face and don't you dare to... ignore me. I want your all attention. I'm the jealous type of guy. For your information." sinasabi niya pa rin 'yan habang nakangiti. Kaya kahit matakot ay hindi ko magawa. He looks lovely. So genuine. Kahit pa ang strong na ng words na ginagamit niya.
"Can't you tour me tomorrow? I'm feeling tired and weak. I just want to rest now." Totoo. Pakiramdam ko tutumba ang katawan ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ayoko munang libutin ang Wival kung maari sana.
"I told you. You can be with me only for today," he says. "We have to do it now. Wait for me here. I'm going to get a pill for you."
"You're going to get me a pill? How?"
"I'm sorry I can't get your medicines. I remember I can't touch things. Consider this as a joke. So let me just give you a tour. Let's go, shall we?"
"Wait, Justin," naipikit ko ang mata ko dahil sa pag-ikot nito ng kusa. Parang bumabaligtad ang paningin ko at halos maubusan ako ng hininga. Sa oras na ito, alam kong magbablack out na ako.
"Adira. Are you okay? What's happening? Adira."
Imagine him asking those questions while still smiling. Justin really doesn't know how to stop his smile, isn't he? "I can't open my eyes. It hurts. And my head hurts too. I don't know why!"
"Take a deep breath,"
Tulad ng sinabi niya, ginawa ko 'yon. Humugot ako ng malalim na hininga at nirelax ang sarili.
"Now try to open your eyes slowly."
I tried. But I still can't. Pag tinatagalan ko ang bukas ng mata ko, tila hindi diretso ang paningin ko. At pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga.