“I said don’t touch me!” sigaw ni Briana sa mga bodyguard at pilit inaalis ang sarili sa pagkakahawak nga mga nito sa kaniya. Gusto niya akong lapitan pero hindi niya magawa dahil sa dalawang lalaking humahawak at pumipigil sa kaniya. “Please Briana, lubayan mo na ang pamilya ko. Umalis na kami, kami na ang umiwas kaya sana respetuhin mo, lalo na ngayon, dito sa kwarto ng apo ko.” “But Tita, I love your son! Huhu!” Hindi na nito napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. “Kaya ko naman pong ibigay ang lahat ng gusto ninyo. Gagawin ko po ang lahat magustuhan niyo lang akong lahat. I really love your son Tita Leona. Please tell him to love me too.” “I’m very sorry hija, hindi ganoon ang love. Hindi iyon basta-basta. Hindi iyon napipilit. Wala akong magagawa kung hindi ka ka

