44

1083 Words

Nag-stretch ako ng katawan. Ang sakit pala sa likod at braso. Sobrang nakakangalay maghugas kahit tatlong oras lang nila ako pinaghugas sa kusina nila. Paglingon ko sa likod ay nandoon sina Juanito at ‘yong isang babaeng masungit. Manghang mangha sila sa akin dahil natapos ko ng almost three hours ang mga hugasin nilang dinaig pa ang higante sa dami at tambak. “Natapos mo lahat ng iyon?” “Opo tapos ko na lahat. Bale bayad na ako sa utang ko sa inyo.” Taas noo akong tumingin sa kanila. Kanina kung makapag-down sila sa akon ay labis. Ngayon who you sila sa akin. Akala nila hindi ko kayang gawin ang paghugas ng maraming iyon ah! “Kakaiba siya,” mahinang sabi ng babae kay Juanito. “Ang sinabi ni Madam maghugas siya ng tatlong oras, hindi tapusin ang hugasin sa loob ng tatlong oras.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD