Akala ko babalik ang lahat sa dati sa oras na imulat ko ang mga mata ko ngunit nagkamali ako. Pag gising ko ay nandito pa rin ako sa kwarto ng apartment ni Luke. May sinag na ng araw sa bintana, hinayaan ko lang ang katawan kong nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame pagkatapos kong tingnan ang pasibol na araw sa bintana ng kwarto. Nakakalungkot isiping hindi ko malaman kung ano ba ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa year 2000. Kahit sa biniling libro ni Luke para sa akin ay wala akong nakuhang sagot. Time travel and reincarnation, iyon lang ang alam kong maaring nangyayari sa akin ngayon. Ang hirap pa lang hulaan ang mga bagay na hindi mo talaga alam kung ano ang tinutukoy. Para akong bulag na naghahanap sa napakalaking kwarto ng hari, imposibleng may mahanap dahil wala

