She’s crying! Maybe she realized na hindi sa lahat ng oras ay papabor sa kaniya ang tadhana. Her time is over. “Ano ba ang pinakain mong gayuma sa kaniya? Bakit ikaw lang ang kaniyang mahal hanggang ngayon?” Tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at diretso ang pagsampal. “Ikaw ang dahilan nito! Sinisira mo ang buhay ko!” “Briana huwag ka rito gumawa ng eskandalo.” Pilit pinigilan ni Theo si Briana, hinawakan niya ito sa kamay at inilayo sa akin. “Umalis ka na!” sigaw sa akin ni Theo. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng restroom. “I AM NOT MAKING A SCENE!” Iyan ang huli kong narinig kay Briana. Inopen ko ang restroom, naka-lock pala iyon kaya walang nakakapasok. Buti nga ay walang nakapila noong buksan ko. Nakakahiya kung may maabutan man akong nakapila r

