"Nakangiti ako,” sabi niya sa akin pero nakaseryosong mukha na naman siya ulit. Hindi ko na siya napilit pang ngumiti. Paulit-ulit niyang sinasabing ngumingiti siya pero hindi ko naman nakikita sa labi niya. Siya lang ata ang nakakaalam sa pag-ngiti niya. "Nakita kitang umiiyak kanina," Aniya. "Puwede ko bang malaman kung bakit?" "It's about my sister, nothing serious, Adam." "You are missing her, don't you?" Matagal bago ko siya naisagot. Ayoko talagang gawing topic ang tungkol sa ate ko pero ngayon parang gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Para kasing sasabog na ako sa loob kapag hindi ko pa ito nilabas kahit na kapiraso lang. "Yes. I miss my sister." I took a deep breath before continuing to speak. "If only I could turn back the time, I wouldn't let her leave my side th

