Saglit akong nag-isip. Mas mabuti na rin sigurong samahan ko siya para may guide siya. Bakit kasi wala sa kaniyang nagpapakitang computerize person para i-tour siya? Unfair. Sa akin ang dami nilang nagpakita at tumulong pero dito sa lalaking ito ay wala. Sabagay, hindi naman kasi siya inaasahang narito kaya wala ni isang nag-assist sa kaniya. “Tutal wala rin naman akong gagawin pagkatapos kong mag-breakfast, bakit hindi? Sure. I'll tour you." "Talaga?" "Yup, after natin mag breakfast." "Salamat." Napatango na lang ako at awkward na napangiti. Hindi niya talaga alam kung paano ngumiti. Wala pa rin siyang ekspresyon kahit feeling ko masaya siya. Masaya nga ba siya o ako lang ang nag-assume na sumaya siya dahil sasamahan kong lumibot dito sa Wival? "This is the Wival's Ground. I

