CHAPTER 9

2112 Words
Wala akong nagawa habang hinahalikan ni Ryker ang leeg ko at ang kanyang kamay ay hinihimas ang maselang parte ng katawan ko. Ang mga haplos niya at halik na may halong pananakit. Walang pagmamahal, walang awa niya akong sinisiping habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Nakatulala ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Hindi ako makakilos dahil nakatali ang mga kamay ko, may busal din ng panyo ang bibig ko. “Hayop ka!” sigaw ng isip ko. Nang huhubarin na niya ang suot niyang pantalon ay biglang huminto ang sasakyan niya. “Sir, traffic po papunta sa mansyon," wika ng driver. Bagamat hindi kami nakikita dahil nilagyan ng partisyon ang pagitan ng driver at sa amin. Naririnig naman namin ang sinasabi ng driver niya. Inis na huminto si Ryker at pinindot ang nasa gilid ng upuan. “Take us to my bachelor pad,” he said irritably. “Yes, Boss," tugon ng driver. Nakatitig ako sa kisame ng sasakyan upang hindi ko makita ang pambababoy sa akin ni Ryker, ngunit napansin kong nagbihis na siya ng damit. Lumapit siya sa akin at inalis ang busal ko sa bibig. “I’m no longer in the mood,” he said. Tinitigan ko siya ng masama. “Pakawalan mo ako!" He looked at me and smirked like a demon. “Why should I do that?” Kinuha niya ang remote at naramdaman ko na lang na mas lalong lumalamig ang loob ng sasakyan. Nakahubad ako at nakatali ang mga kamay, kaya sobrang lamig ng pakiramdam ko. Para akong binabad sa yelo. “Ryker! Please! Pakawalan mo ako nilalamig na ako!" pakiusap ko sa kanya. Ngumisi siya. “Say it first. My lord, let me go." “Demonyo ka!" sigaw ko sa galit. “Bakit ka nagpakasal sa demonyo?” Tumawa siya ng malakas. “Ano ba?! Pakawalan mo ako rito, nilalamig na ako!” “Say the magic words!” I took a deep breath. “My lord, let me go," pakiusap ko sa kanya. Muli siyang ngumiti. “That's my girl.” Lumapit siya sa akin at inalis niya ang tali sa kamay ko. Nagmadali naman akong nagsuot ng damit habang tumutulo pa rin ang luha ko. “Ryker, kailangan ko ng umuwi sa bahay namin. Siguradong nag-aalala na sa akin ang magulang ko.” “You can’t go back there anymore. Have you already forgotten that we’re married and that you’ll be living in my house now?” “I know, but can you give me at least one week to say goodbye to them? Hindi nila maiintindihan kapag sinabi ko sa kanila ang totoo. Ayokong makadagdag ng problema sa kanila." Halos patayin ako sa mga tingin niya. “Bakit ang dami mong hinihiling? Hindi ka ba nakakaintindi?" “Please, Ryker.” I saw his Adam’s apple move as he swallowed his anger. “Alright. I’ll give you one week to say goodbye to your parents. One week only, Jillian. If you don’t do what I want, you won’t be the only one who suffers. I’ll drag your parents into my revenge.” Sunod-sunod ang naging tango ko. “Pangako, tutupad ako sa usapan.” “Good." Muli niyang kinausap ang driver niya para ihatid ako sa bahay namin, ngunit tumanggi ako. Nagpahatid na lang ako sa terminal ng tricycle. “Salamat sa paghatid," sabi ko nang huminto kami sa harap ng terminal ng tricycle. Bago pa ako makababa ay bigla niyang hinawakan ang mahigpit ang braso. “Aray!” daing ko. Tinitigan niya ako ng matalim. “Don’t break your promise,” he warned. “Yes, I won’t forget.” Binitawan niya ang braso ko. Nagmadali naman akong lumabas ng kotse niya. Pagkalabas ko ay mabilis akong naglakad para makasakay ng tricycle. Habang nasa loob ako ng tricycle ay bumuhos naman ang luha ko. Parang ngayon lang ako nakahinga nang maluwag. “Miss, okay ka lang?” tanong ng matandang babae na katabi ko sa upuan. “Opo," sabay punas ko ng luha. “Nakita kita na bumaba ng sasakyan. Kinidnap ka ba? Hindi naman puting van 'yon?” wika ng matanda. Umiling ako. “Walang kinalaman ang sasakyan na sinakyan ko. Masyado lang po akong stress sa trabaho," paliwanag ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang hindi siya naniwala sa sinabi ko. “Okay." Umiwas ako nang tingin sa matanda at tinuon ko sa cellphone ko ang atensyon. Gusto ko sanang umiyak para ilabas ang bigat na nararamdaman ko, kaya lang napansin naman ako ng matanda. Pag-uwi ko ng bahay, sinikap kong maging normal ang lahat. “Jillian, anak!” wika ni Nanay. Nagmano ako sa kanya. “Kumusta si Tatay?" “Tulog siya na siya.” “Kumain at nakainom na ba siya ng gamot niya?” “Oo, magbihis ka na at kumain.” Tumango ako at dumiretso sa kuwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos, dumiretso ako sa kusina para kumain. Habang kumakain ako, lumapit sa akin si Nanay. Nakatingin siya sa akin kaya bigla akong nailang. “Bakit po kayo nakatingin sa akin? May problema ba?”takang tanong ko. “Jillian, bakit ang dami mong pasa?” Saka ko lang tiningnan ang braso ko. May pasa ang braso at balikat. Marahil gagawan ito ni Ryker. Nagmadali akong tumayo at dumiretso sa banyo para tingnan ang iba pang pasa. “Hayop! May kissmark ako sa leeg at dibdib.” Naiiyak kong bulong habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. “Jillian, ayos ka lang ba?” sigaw ni Nanay. “Opo!” sagot ko. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Nanay na naghihintay sa akin. Umiwas ako nang tingin sa kanya at naglakad ako papunta sa kuwarto ko. “Jillian, anak!” tawag niya. Kinabahan ako. “B-bakit, Nay?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?” Huminga ako nang malalim. “Tatapusin ko lang ang pagkain ko at mag-usap po tayo.” Tumango siya. “Kumain ka ng marami.” Dumiretso ako sa kuwarto at nagpalit ng damit upang hindi makita ni Nanay ang mga kissmark na ginawa sa akin ng demonyong si Ryker. Pagkatapos, pinagpatuloy ko ang pagkain. Nakaupo kami sa sofa habang si Nanay ay nanonood ng teleserye. “Nay, gusto ko lang sabihin sa'yo na magagamit n'yo na ang passport n'yo,” panimula ko. Kumunot ang noo niya. “Bakit?” “Tinulungan ako ng isang doktor sa hospital na pinagtatrabahuhan ko na magpagamot si Tatay Singapore. May fun raising din na ginawa ang mga katrabaho ko para makalikom ng pera pandagdag sa gamot ni Tatay.” “Hindi pa rin sapat iyon para sa magagastos natin sa pagpapagamot ng Tatay mo. Kailangan din natin ng araw-araw na gastusin doon.“ “Alam ko po, kaya tinanggap ko po na maging care giver sa isang matandang mayaman na may alzheimer disease,” pagsisinungaling ko. “Kaya ba may mga pasa ka?” Tumango ako. “Mahirap po 'yung alaga ko dahil bumabalik sa pagkabata. Nanakit siya ng hindi niya sinasadya.” “J-Jillian!” naluluhang saad niya. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. “Huwag kayong mag-alala dahil kaya ko naman.” “Patawarin mo ako, wala akong maitulong sa'yo," wika ni Nanay habang nagpupunas ng luha. “Huwag n'yo ng alalahin 'yon. Okay lang sa akin na mag-doble ng trabaho basta gumaling lang si Tatay.” “Salamat, Anak.” “Aasikasuhin ko na ang mga kailangan natin para makaalis na tayo papuntang Singapore.” “Paano ang trabaho mo?” “Magpapaalam muna akong mag-leave ng isang linggo para masamahan kayo. Pasenya na, Nay, kung hindi ko kayo matutulungan sa pag-aalaga kay Tatay sa Singapore. Kailangan kong magtrabaho. Bibisitahin ko na lang kayo buwan-buwan.” “Okay lang. Salamat sa sakripisyo mo.” “Gusto ko rin sabihin sa'yo na mag-stay in ako sa bahay ng inaalagaan kong matanda kapag nasa Singapore na kayo.” “Wala ka ng pahinga, baka ikaw naman ang magmasakit?” Ngumiti ako. “Lagi akong umiinom ng vitamins. Magpapalakas ako para sa inyo.” Niyakap ako ni Nanay. “Maraming salamat, anak.” Tumulo ang luha ko, mabuti na lang at hindi niya ito nakita. “M-mahal na m-mahal ko kayo ni Tatay. Gagawin ko ang lahat para sa inyo," sabi ko. “Maraming salamat, Anak.” *** “Ulitin mo nga ang sinabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Lora nang puntahan ko siya sa inuupahan niyang apartment. Bukod tanging si Lora lang ang napagsasabihan ko ng problema ko. Lahat ng mga nangyayari sa akin ay sinasabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo. “K-kanina ko pa sinasabi sa'yo.” Nilamukos niya ang mukha niya. “Anong pumasok sa isip mo? Bakit ka pumayag sa gusto ng demonyo na 'yon?” “Nakita mo naman 'yung scandal video na kumalat sa social media? Kapag hindi ako pumayag. Papakita niya ang buong video lung saan walang mask ang mukha ko. Ayokong makita ng magulang ko 'yon lalo ng Tatay ko, baka lalong lumala ang sakit niya.” “Alam mong bina-blackmail ka ng demonyo na 'yon! Bakit ka pumayag? Dapat sinabi mo sa akin para sinumbong natin sa pulis at maipakulong!" “Alam ko, pero wala naman akong magagawa. Kung isusumbong ko siya sa mga pulis, malalaman ng magulang ko ang ginawa kong pagbenta sa sarili ko para may pangpapagamot si Tatay. Sisihin nila ang sarili nila at ayokong mangyari 'yon. Isa pa, kilalang tao ang lalaki na 'yon, baka maging mailap sa akin ang hustisya.” “Pero kahit na! Dapat sinubukan mo pa ri—” “Pumayag na akong magpakasal sa kanya at legal 'yon.” “Jillian, para kang pumasok sa impyerno.” Sersoyo akong tumingin sa kanya. “Gumaling lang ang Tatay ko, kahit maghirap ako ay kakayanin ko.” “Hays! Pagagawan na kita ng monomento bilang ulirang anak sa tabi Rizal sa Luneta.” “Lora, bantayan mo ang magulang ko kapag wala ako, at kung sakaling mawala ako. Huwag mong sasabihin sa magulang ko ang ginawa ko," “Ano ba 'yan! Parang nakakatakot naman 'yan." Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin ako sa kanya. “Mangako ka sa akin.” Sinalubong niya ang tingin ko. “Sige, pero kailangan kong makilala ang demonyong lalaki na pinakasalan mo.” “Oo, sa susunod na linggo ay babalik na ako sa kaniya. Sa ngayon, kailangan kong asikasuhin ang mga kailanga dukumento para makapunta kami sa Singapore.” “Okay, aasahan ko 'yan,” tugon niya. Tipid akong ngumiti. “Salamat.” “Ubusin mo na 'yan turon para naman tumaba ka. Ang laki na ng pinayat mo," wika ni Lora. Tumango ako at sinimulan kong kainin ang turon na binili niya sa kanto. Habang kumakain ako, biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number ang tumawag, pero sinagot ko pa rin dahil baka tungkol ito sa tatay ko. “Hello!”sabi ko. “How are you, wifey?” Kinilanutan ako nang marinig ko ang boses ni Ryker. “Bakit ka tumawag sa akin?” “I miss you," sabay tawa niya. Imbes na kiligin ako, takot ang naramdaman ko sa kanya. Tumingin sa akin si Lora at sumenyas na “Sino 'yan?" Tinakpan ko ang speaker ng phone ko bago ko sinagot ang tanong niya. “Yung demonyo," tugon ko. “Loudspeaker mo," pabulong ni Lora. Agad ko naman itong ginawa upang marinig niya ang pinag-uusapan namin ni Ryker. “Are you still there?” wika ni Ryker sa kabilang linya. “Oo, pasensya na! Mahina ang signal.” “Tsk! Poor," tugon ni Ryker. “Akala ko ba nag-usap na tayo na pagkalipas ng isang linggo ako babalik sa'yo?” “Yeah! But I miss you, so can we meet?” “Hindi puwede may kailangan akong asikasuhin.” “Okay, then I’ll just go to your house and tell your parents the truth.” “H-huwag mong gawin 'yan!" sabi ko. Hindi naman maipinta ang mukha ni Lora sa inis habang nakikinig sa usapan namin. “If that’s the case, let’s meet tomorrow. Don’t worry, we’ll just eat out.” “Kahit ayoko, hindi naman ako puwedeng tumanggi.” “That’s good to know. Okay, see you tomorrow. Bye!” sabay putol niya ang tawag. Huminga ako nang malalim pagkatapos naming mag-usap. “Nakakagigil!” wika ni Lora. “Lora, huwag kang gagawa ng hindi maganda bukas kapag nakita mo siya.” “Oo, sisikapin kong maging mabait," tugon niya. “Mabuti naman kung gano'n.” Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain. Hindi ko tuloy naubos ang turon na kinakain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD