EPISODE 49 AFRAID SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “She’s back.” Napalingon sa akin si Rick at napatigil sa kanyang ginagawang pagluluto. Nandito siya sa bahay namin ni Gabriel upang dumalaw dahil sa Davao na siya naninirahan ngayon. “Sino si she’s back?” tanong niya at lumapit sa akin. “Gabriella,” sagot ko sa kanyang tanong. Muntik na siyang mahulog sa inuupuan niya, buti na lang nakahawak siya sa edge ng lamesa rito sa bar counter sa bahay ko. “Damn! Kumusta ang puso mo diyan, Baste? Kailan lang siya bumalik? Nagpakita siya sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Inirapan ko si Rick. “It doesn’t matter, Rick. Matagal ko na rin siyang inalis sa puso’t isipan ko. Ang ayaw ko lang sa pagbalik niya ay ang pangungulit sa akin na maging ina ulit siya ni Gabriel. Ano ako tanga? Hi

