EPISODE 64 HOUSTON, TEXAS GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Isang linggo kaming nag stay sa probinsya at wala kaming ibang ginawa kundi makipag-bonding sa aming mga pamilya at kaibigan. Umuwi rin muna si Amara sa probinsya upang makita ako at makasama bago kami lumipad ni Aki at Gabriel papuntang Texas. Ngayon ang araw ng aming alis at hindi ko mapigilan na maging malungkot dahil mamimiss ko ang probinsya at hindi ko alam kung kailan ulit kami makakabalik dito. Sana nga ay gumaling din kaagad ako dahil gusto ko na rin magawa ang mga normal na bagay na nagagawa ko noon at hirap na hirap na rin ako sa aking sakit. “Mag iingat kayo ro’n, Hija. Huwag kayong mag-alala at dadalaw kami ro’n next month ni Sebastian,” malumanay na sabi ni Tita Cristina at niyakap ako. “Maraming salamat po, Tita Cr

