EPISODE 37 LET’S RUNAWAY SEBASTIAN’S POINT OF VIEW. “Aki, buntis ako.” Nang sabihin iyon ni Gabriella, lahat ng galit na nararamdaman ko para sa kanya, sa ginawa sa pamilya niya, lahat ng iyon ay nawala ng parang bula. Napakurap ako sa aking mga mata at nanigas sa aking kinatatayuan sa aking narinig galing sa kanya. Napakurap ako sa aking mga mata. “G-Gabriella—” “Alam mong possible na mangyari iyon dahil… dahil may nangyari sa atin noong nasa isla tayo. Aki, hindi ko na alam ang gagawin ko,” umiiyak na sabi ni Gabriella. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ako sa aking mga kamay. Tumingala siya sa akin at muling pinagpatuloy ang pagsasalita. “A-Aki, natatakot ako… hindi ko alam ang gagawin ko! nababaliw na ako kakaisip kung anong gagawin ko. I-Ikaw… ikaw lang ang makakat

