"Naku ka, Montefeltro! Ano ba namang kamay iyan at nakakapagpatumba ng mga tao , ha?! Umamin ka nga-may asero bang nakalagay sa kamay mo, ha?!" nakapamewang na tanong sa akin ni Lea.
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago uminom sa aking coke. "Tang*na mo pala, e. Edi hindi na dapat ako hinayaang maging manlalaro, gaga mo!" sagot ko.
Ngumiwi naman ito bago uminom sa coke niya. Narito kami ngayon sa cafeteria, kumain lang sandali at ngayon ay pabalik na sa clinic upang bisitahin kung humihinga pa ba ang engineer na 'yon.
Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit dahil uuwi na din naman mamaya. Pero kaming players ng Letran Volleyball Team ay hindi pa muna. May meeting pa kami mamayang alas-3. 2 PM pa lang naman kaya pupuntahan ko muna ang napatulog ng spike ko.
Nang makarating kami sa clinic ay nakita ko agad si nurse Jaja na inaasikaso si engineer. Nang makita kami ay bahagya pang nanlaki ang mata niya at napangiwi.
"Hi," bati ko sa engineer nang makalapit sa kanya.
"Are you the one who hit me?"
Tang*na.
"Ehem! Ako nga. Knock-out nga, e."
Tumayo ito at walang emosyong tumitig sa akin. Napaatras ang isa kong paa dahil biglaan niyang isinunggab ang mukha. Napalunok naman ako.
"Eh kung ikaw kaya tirahin ko nang mas malakas pa sa tira, mo? Tingnan ko lang kung makalakad ka pa,"
A-Ano daw?!
"L-lumayo ka nga." sabi ko. "Hindi ko naman sinasadyang ikaw ang tamaan ng bola, a. Kasalanan mo din naman dahil magde-day dreaming na lang at lahat-sa gym pa namin!"
Nag-igting ang panga nito at walang alinlangang hinawakan ako sa damit ko at inilapit sa mukha niya. Napalunok ako.
"You should have atleast control your goddamn force when hitting so you could not mess other peopleʼs life!"
"Oh my, Thaddia! K-Kuya, bitiwan mo nga siya," sabat ni Lea.
Marahas naman akong binitiwan ni engineer. Inayos ko agad ang aking damit bago salubong ang kilay na tumingin sa kanya. Inayos niya ang necktie niyang navy blue bago walang modong nilayasan kami.
"Sungit mo, a! Buti nga nag-sorry ako, e! Baka hindi mo alam wala sa bokabularyo ko ang salitang sorry?! Lucky you, oy!" habol na sigaw ko sa kaniya.
Kapal ng mukha, buti na lang gwapo!
"Tumigil ka nga, Thaddia! Hindi ka naman nag-sorry. Namo ka,"
Itinaas ko ang pareho kong manggas bago maangas na itinuro ang nilabasan ni engineer. "Eh nakakapikon, e!"
"Grabe ka kasi! Tsaka hindi ba kilala 'yon?"
"Bakit sino ba 'yon, ha? Ikayayaman ko ba kung malaman ko kung sino siya?" maangas kong tanong.
Umiling-iling na parang hindi makapaniwala si Lea sa harap ko. "Girl, siya lang naman si Eldritch Lawrence Altafranco.!"
"Ang sarap mong batukan, Lea. Sino ba 'yon?!"
"Girl, siya lang naman ang magiging pansamantala nating instructor habang wala si ser Felier Brix Altafranco! Lagot ka!"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. A-Ang taong 'yon? Mahiging instructor namin?!
"Tang*na, Lea."
"Tira pa more. Bwahahahaha!"
Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagbuga ng hangin. Bakit nga ba nakalimutan kong isa nga din pala akong engineering student.
"Tara na. May meeting pa tayo."