3RD PERSON POV ANG mga unang linggo nila nang makabalik sa university ay maayos naman at normal. Kahit medyo naninibago sa schedule at building na kailangan puntahan ay nakakapag- adjust naman silang tatlo. Katulad nung nakaraang taon, kasama pa rin niya si Jen at iba pang mga kaibigan. Habang si Greg naman ay nasa ibang department, kaya halos hindi na talaga sila nagkakaroon ng oras magkita dahil hindi nagkakatama ang schedule nila sa isa't isa. Kahit nalulungkot dahil sa set-up na meron sila ay kinakaya naman niya sa pamamagitan ng pag iisip ng positibo. At ngayong taon din ay madalas niyang nakikita si Dalton dahil ang building ng mga 4th year ay parehas ng sa kanila. "Uii Heiley, nag lunch na kayo?" bati pa nito nang makasalubong nila sa hallway. "Hi Dalton!" kinikilig na saad pa

