3RD PERSON POV KAHIT hindi ganun kaganda ang unang impression ni Heiley sa paaralan na ito ay unti-unti ring nabago iyon sapagkat habang nag aaral doon ay nakahanap naman siya ng mga bagong kaibigan. At dahil sa pagiging abala sa pag aaral, mga tambak na written works, projects at nakakahilong exam ay halos hindi rin niya naramdaman ang paglipas ng isang taon. "Aist, salamat at natapos din ang finals, makakatulog na rin ako ng maayos," saad pa ni Heiley sa boyfriend niyang si Greg habang nasa cafeteria sila ng University. "Sinabi mo pa, Ley." Pagsang ayon naman nito sa kanya sapagkat bakas din ang maitim na eyebags sa mga mata nito dahil sa pag o-overnight para makapag review. Napatango na lamang siya habang napapahikab pa. Maya-maya pa ay dumating na si Jen kasama ang mga bago nilan

