3RD PERSON POV NANG dumating na ang araw ng meeting nila ni Mr. Florence, hindi niya inaasahan ang magiging kondisyon nito para lamang manatili sa kanyang negosyo. "I'm not going to pull out my shares in your business, but I have some conditions," panimula agad nito nang makapasok siya sa opisina. "Sure, what is it, Mr. Florence," kalmadong aniya, kahit may kaba sa kanyang dibdib, pero kung tungkol lang naman sa pagdadagdag ng part nito sa kanyang sales ay walang problema basta huwag lamang sobra. Malalim na tiningnan pa niya ito sapagkat kilala niya ang mga negosyante, pagdating sa negosyo walang patawad ang mga ito at kapag nakakita ng pagkakataon para lamangan ang iba ay siguradong hindi ito magdadalawang isip na gipitin siya... Katulad na lamang ng nangyayari ngayon, malinaw dit

