3RD PERSON POV NAGDILIM ang paningin ni Damon nang makita niya si Heiley, wala na sa katinuan ang kanyang pag iisip at nilamun na ng galit ang kanyang puso. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa, ang tanging tumatakbo sa kanyang isipan ay kung paano maipararamdam din dito ang sakit at pagdadalamhati na kanyang nararanasan ngayon. Nagtiwala siya, minahal niya ito ng tunay, pero sa huli ay isa lamang pala siyang panakip butas. "This is what you want right!" galit at nanggigil na sigaw niya habang nagpapatuloy sa paghalik sa katawan nito. Ang kanyang tulirong utak ay hindi na napapansin ang mga hinagpis at pagmamaka-awa nito. Hindi niya alam kung tama, mali o dapat ba ang kanyang ginagawa. Hindi niya napapansin ang pag agos din ng masagana niyang luha lalo na ng maalala niya ang mga ba

