3RD PERSON POV MATAAS ang sikat ng araw, pero hindi ganun kainit ang panahon dahil siguro ilang linggo na lamang at pasko na. Habang nagda-drive patungo sa Cafe, maaga pa lamang pero dama na ni Heiley ang kakaibang saya at ligaya sa darating na paskong ito. Halata at bakas sa mukha ng mga kabataan at magkakapamilyang ang saya habang kanyang nalalampasan ang mga ito sa daan. Kahit may mga bagay na iniisip at pinoproblema pa rin siya ngayon ay hindi niya maiwasan na maramdaman ang kakaibang init at sabik para sa nalalapit na okasyong ito. Lalo pa nga at ito ang unang pasko niya muli dito sa bansa. Tanda niya kung gaano kalungkut ang tatlong taon na nagdaan na mag isa siya sa America at hindi man lang nakasama ang mga magulang. Pero ngayon ay hinihiling niya na sana ay maging mapagpala an

