3RD PERSON POV HABANG nagpapatuloy ang kaso laban sa lalaking iyon ay nagpasya ang kanyang mga magulang na manatili muna siya sa ospital at magpagaling doon. Dahil may trabaho si Damon at kailangan din nitong umuwi sa bahay para pakainin si Max kaya minsan lamang bumibisita ito. Ganun din ang kanyang Papa na bumalik na sa kumpanya para asikasuhin ang mga trabahong naiwan doon pati na rin ang ongoing na kaso. Ang kanyang Mama ang nag iintindi sa kanya dito sa ospital ngayon. Sa totoo lamang ay maayos na ang kanyang kalagayan at gusto na niyang umuwi, ang kanyang mga magulang lamang ang makulit at ayaw siyang bitawan. Naiinip na siya dito sa ospital at gusto na ulit niyang umuwi at makasama sina Mr. Cm at Max. Sa loob ng tatlong araw na pananatili dito ay na miss na rin niyang pumasok sa

