3RD PERSON POV MALAKAS palakpakan sa paligid ang tumapos sa pagbabalik-tanaw ni Heiley sa mapait na niyang nakaraan. Mabilis siyang napalingon sa paligid habang pinupunasan ang pisngi na basa ng luha. Masasaya at proud na ekspresyon mula sa mga bisita ang kanyang napansin habang inaalam kung ano na nga ba ang nangyayari. Hanggang sa nadala na ang kanyang paningin patungo sa unahan ng venue kung saan matatagpuan ang maliit na stage. Ang masayang pamilya ng best friend niyang si Jen at Ex na si Greg, kasama ang apat na taon nitong anak ay talaga namang kamangha-manghang pagmasdan. Ang hindi mapagsidlang saya sa mga ngiti sa labi ng mag asawang montealto ay para namang isang kutsilyong tumutusok nang dahan-dahan sa kanyang puso at humihiwa sa naghihingalo niyang kaluluwa. Napayuko na la

