3RD PERSON POV "Woof! Woof!" "Yes yes, malapit na tayo Max," napapatawa namang sagot ni Heiley sa katabi niyang aso. Mukhang hindi na kasi ito makapaghintay at excited na talaga sa kanilang pupuntahan. Habang nasa gitna ng traffic ay naisip niya na baka gabihin sila ng uwi ni Max pabalik sa kanilang bahay, kaya mabuti nang mag iwan siya ng message kay Damon, kahit alam naman niya na madaling araw naman itong umuuwi. Heiley: Day, nasa bahay kami ni Mama, kasama ko si Max para doon mag-dinner. [SEND] Matapos niyang mag text ay umusad na ang mga sasakyan at nakapagpatuloy rin sila sa kanilang destinasyon. Nang mai-park ang sasakyan sa harap ng bahay at tinanggalan niya ng seat belt na suot si Max para makababa na ito sa kotse. Siya naman ay napasandal pa sa may sasakyan habang tinitingn

