3RD PERSON POV MATAPOS ang pagdiriwang ay isa-isa na silang niyakap ng kanyang mga magulang habang binabati muli nila ito ng happy anniversary. Paalis na sana sila ng ngayon pa maisipan ni Ferni na mag-drama. "Ma'am, sir! Salamat po talaga sa pagtanggap nyo sakin," halos mapaiyak na saad nito, habang nagpupunas ng imaginary luha nito, kaya naman napatakip siya ng kamay sa kanyang bibig para pigilan ang tawa na gustong kumawala roon. Ayaw pa naman niyang sirain ang moment ni Ferni. "Oo naman Ferni, anak na rin ang turing namin sayo," saad naman ng kanyang Papa, sabay tapik sa balikat ng kaibigan niyang bakla. "Talaga po," masaya naman nitong sagot at muling yumakap sa kanyang Mama at Papa. "Of course, kaya nga sana---" "Ano po yun, ma'am?" nagtatakang tanong pa nito dahil sa pangbib

