3RD PERSON POV TOK! TOK! TOK! Sumunod doon ang malakas at nakakabinging sigaw ni Ferni bago ito tuluyang mawalan ng malay. "FERNI!!!" mabilis siyang lumapit sa nahimatay na kaibigan at tiningnan ang kalagayan nito. "Ui Ferni, gising," sabi pa niya, habang tinatapik ang pisngi nito. Hindi naman ito nagigising ano man ang kanyang gawain kaya kahit nanginginig na rin sa takot ay lakas loob niyang binalikan ang cellphone sa ilalim ng mesa para tawagan si Damon. Kaso nga lamang, bago pa niya mapindot ang call button ay bumalik na ang kuryente. 'Jusko, salamat at may kuryente na.' Sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag. Nang suriin naman niya si Ferni ay maayos lang ang lagay nito. Mukhang tulog lang ang bakla. Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo sa sahig nang makarinig ulit ng kaka

