3RD PERSON POV 4:00pm na at nasa bahay pa ang mag fiance na sina Heiley at Damon. Matapos kasi ng pagbili nila sa mall ay naipit na sila ng traffic pauwi. Kaya naman ngayon ay parehas silang nagmamadali para makaabot sa opening ng birthday party ni Savannah. "Hon, mala-late na tayo, come on," ani Damon sa kay Heiley na nasa loob pa rin ng restroom hanggang ngayon. "Oo nandyan na nga," sagot naman ni Heiley dito, habang pinapakalma ang sarili. Nang maisuot kasi niya ang dress ay napuno naman ang kanyang utak ng iba't ibang pangamba at mga negatibong isipin tulang na lamang ng... Paano kung hindi naman talaga bagay sa kanya ang dress na ito? O kaya ay baka naman mapahiya na naman siya sa party na iyon dahil sa kanyang kalagayan? Alam niyang pambatang party iyon pero marami pa rin na m

