Part 6

1325 Words
Paano nalaman ni Gregor ang raket niya kay Gov. Paloma? Familiar raw siya sa paningin nito, ibig bang sabihin nakita siya nito sa aktong iyon? Napahawak si Ruki sa baywang niya at bibig, humugot ng malalim na hininga. Was Gregor one of the guests Gov. Paloma had during the event? Dahil sa naisip ay kinabahan si Ruki. It was his deepest secret, na sumuong sa ganoong trabaho at pagkatapos na pagkatapos niyon ay gusto na niyang ibaon sa limot ang alaala, kaya ang magkaroon ng witness ay isang malaking eskandalo. And of all the people, kuya pa ni Rei. Tuloy mas pumangit ang tingin ng kuya nito sa kanya at pinapaalis pa siya sa bahay. How will he deal with it? Aalis ba siya? O hahayaang si Rei ang magsabi? Mas pinili ni Ruki siyempre na hintayin ang desisyon ni Rei, since ito naman ang nagpapasok sa kanya roon. But the thing was, Rei had no idea about the issue. Sasabihan kaya ito ni Gregor? Ano kaya ang magiging reaction ni Rei kapag nalaman ang bagay na iyon. Will he disgusts him just like his brother does? Nilapitan niya ang lalaking nakahiga sa sofa saka niyugyog sa balikat. "Rei, Rei, gising ka na. Lipat ka na sa kuwarto mo." Umungol lang to at tumagilid, nahulog ulit sa pagtulog. "Rei, gising  ka muna." Gumalaw ang pilik-mata ng kaibigan at kagyat na dumilat, pumikit ulit at ibinaling ang tingin sa gilid. "Hmn...Ruki." "Bangon muna, lipat ka na sa kuwarto mo." "Nakakatamad..." Napatitig si Ruki sa inosenteng mukha ng kaibigan, wala itong kaalam-alam kung ano ang nangyaring komusyon kanina. Rei is just so earnest, he can't afford to taint the image of him inside this person's mind. Malungkot siyang napangiti at muling niyugyog ang balikat nito. "Halika, tutulungan kitang lumipat." Dahil sa narinig ay dahan-dahang itong gumalaw at walang ganang bumangon paupo sa sofa. Inangat ni Ruki ang isang braso nito at isinukbit sa kanyang balikat. Magkasabay silang tumuwid nang tayo at naglakad papuntang loob ng silid nito. Isinara ni Ruki ang pintuan ng kuwarto sa oras na makaalis siya, dumiretso sa sariling silid at humiga sa kama. Ang itaas na bahagi ng katawan ay nakalapat sa kama habang ang dalawang paa ay nakalapat sa sahig. His mind was still swirling. Ipapahinga muna niya iyon bago siya mag-isip at mamroblema kay Gregor. Dahil sa antok, nahulog na si Ruki sa mahimbing na tulog sa ganoong posisyon. *** Nakahinga nang maluwag si Ruki nang ilang araw ring hindi nasilayan ang nakabugnot na anino ni Gregor sa condo. Nangangamba tuloy siya na baka nasabi na nito kay Rei ang concern at napag-usapan ang kagustuhan nito na paalisin siya. Ngunit base sa kinikilos ng kaibigan, mukhang wala naman itong nalalaman. Walang pinagkaiba ang pagtrato nito sa kanya. Isinukbit ni Ruki ang kulay brown niyang Jansport backpack sa balikat at lumabas na ng bahay, papunta ng eskuwelahan. Sa pagbaba niya sa lobby ng condo ay nahagip ng kanyang paningin ang taong ayaw na ayaw niyang makasalubong, si Gregor. Nasa gilid iyon ng kalsada at kasalukuyang binubuksan mula sa labas ang isang itim na kotse. Kaagad siyang umatras at nagtago sa isang matabang haligi ng building at hinintay na na makaalis ito. 'Anong ginagawa ni Gregor dito? Hindi naman nagpunta sa bahay.' Siya lang din ang sumagot sa sariling katanungan. 'Baka may sadya lang sa malapit.' Nang masigurong nakaalis na ang kotse nito ay saka pa lang siya lumabas at nagpatuloy sa paglakad. Kung pagkikita lang sa daan ang magyayari sa kanila ay kaya niyang iwasan ang lalaki, huwag lamang itong pupunta ng bahay dahil kapag nagkagoon, hindi niya alam kung paano pakiharapan ang pagkamainitin ng ulo nito. The night when he dragged him to the toilet, pakiramdam niya ay nagmukha siyang patpat ng kahoy sa hawak nito. Nakita niya ang malaking kaibahan ng kanilang pangangatawan. Aside from the fact that Gregor is an adult, he is quite toned and tall. May kalaparan din ang dibdib nito kaya nang hilahin siya ay wala siyang nagawa kundi ang matangay. Bakit kaya grabe na lang ang reaction ng lalaki noong malaman ang gender niya? He could feel the his anger through his punishing grip on his arm. Napatingin si Ruki sa sariling braso. Mabuti na lang at hindi nagkapasa iyon. Meeting Gregor is not good for him, ipapanalangin na lang niyang huwag na itong bumisita sa condo habang naroon pa siya. *** "Hi, Michika," bati ni Ruki nang makarating sa DCAF. "Hello, Ruki! Hassle, hassle please. Marami nang pumapasok," nakangiting sabi nito pero alam niyang seryoso. Marami na nga talagang nagsipasukan na customers dahil alas-sais na ng gabi. Pagkatapos na pagkatapos niyang magpalit ng uniform ay kaagad siyang nagpunta sa dining area para silbihan ang nga customers. Siya lang mag-isang server sa shift na iyon kaya medyo nahirapan siyang habulin ang demands ng mga ito. Kaliwa't-kanan ang tawag ng 'waiter' sa area. Maging si Chary ay tumulong na sa pagkuha ng orders. Tumunog ang wind chime na nasa itaas ng salaming pintuan ng coffee shop kaya awtomatikong lumingon si Ruki roon. "Good eve--ning, po." Nawala ang matamis na ngiting ipinukol niya sa kararating na customer nang mapagsino iyon. Kumunot ang noo at nagtagpo naman ang mga kilay ni Gregor nang magtagpo ang kanilang mga mata. Napatungo si Ruki, nagtatalo ang kalooban kung lalapitan ba ang customer para i-accommodate. Tatalikod na sana siya para hayaan na lang ang lalaki pero nakitan niyang nakatingin si Chary sa kanyang mukha. "This way po," sabi niya na kagyat lang tinapunan ng tingin si Gregor at napayuko kaagad. Natural na mahina ang boses na lumabas sa kanyang lalamunan marahil dahil sa awkwardness na naramdaman. Nauna na siyang naglakad patungo sa pang-isahang lamesa, nakakalat kasi ang gamit ni Chary roon kaya niligpit niya muna bago ibinigay. "Dito po kayo." Umupo ang lalaki sa binigay niyang lamesa pero halata ang matigas nitong kilos. May nalalaman pang paghila ng metal na upuan kaya gumawa iyon ng tunog. Puwede naman sanang iangat nang kaunti. Napalunok si Ruki bago tumabi dito at ihanda ang papel at ballpen para kunin ang order ng lalaki "Ano pong--" "Don't you have another waiter on duty?" tanong nito. Hindi niya malaman kung ano ang hitsura ni Gregor habang nagsasalita dahil nakatuon ang mga mata niya sa lamesa. "Wala po." "I want another person to serve me." Pasimpleng napahugot ng hangin sa baga si Ruki at uminit ang tainga sa narinig. "Ako lang po ang server ngayon kaya ako po ang kukuha ng order ninyo." Imbes na sumagot, nakita ni Ruki sa gilid ng kanyang mata na itinaas ng lalaking kaharap ang kamay nito. Tila sumisenyas. Ilang sandali lang ay lumapit si Chary. "Yes, Sir?" "Espresso." "A, okay. Ruki, espresso raw." "Tell him to get out of my sight." "S-sir?" Maging si Chary ay naguguluhan sa sinabi nito. Bilang sagot ay tumalikod si Ruki at nilisan ang tabi nito. Bumalik sa counter at kinuha ang mga nagawang orders para ibigay sa customers. "Gigil ako gigil!" sabi ni Michika habang nanginginig-nginig sa kanyang harapan. "Bakit?" tanong ni Ruki. Humupa na ang mga customers kaya nakahinga na silang lahat. Dalawang tables na lang ang occupied. "Andito siya kanina, e! Si prince charming ko!" "A, gano'n ba? Saan do'n?" "'Yong naka-itim na jacket and jeans! 'Yong umupo roon sa sulok." Itinuro nito ang lamesa na laging tinatambayan ni Chary. "Walang ibang guwapong umupo doon ngayon, siya na 'yon!" What? Si Gregor ba ang ibig sabihin ni Michika? "Regular natin 'yon. Kaya dapat tandaan mo ang mukha at coffee preferrence." "A, okay, sige." Nahinto ang pag-uusap ng dalawa nang tawagin si Ruki ni Chary. Mukhang nahuhulaan na ni Ruki kung ano ang sadya nito sa kanya. "Yes po?" aniya nang nakalapit sa among nakaupo na. "What happened a while ago? Bakit ganoon ang reaction ni Sir?" Chary wasn't mad, nagtatanong lamang ito. "Hindi ko po alam." "Did you offend him?" "Hindi po." "Hmn." Inayos nito ang eyeglasses at nagsalita ulit. "Okay, baka bad mood lang si Sir. Huwag mo nang isipin 'yon. Baka pagod lang." Sometimes, may mga ganyang client talaga. He's a regular kaya ingatan natin. "Okay po." Iyon lamang ang sinabi nito at hinayaan na siyang umalis. Napabuga ng hangin si Ruki. 'Bakit kailangan pang maging regular si Gregor sa coffee shop na ito? Imbes na gusto ko siyang iwasan, gumawa pa ang tadhana ng paraan para magkita kami.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD