Textmate

977 Words
Marso na ng taong 2009. Malapit lapit na naman ang bakasyon .Tinatamad ng pumasok ang mga estudyante.Lalo na kaming wala sa Honor List .Nakaupo ako sa ilalim ng akasya,pilit na tinatago ang cellphone kong kaka register lang sa AllTxt20.. "Michelle,may load ka ba? patext naman" suyo sa akin ni Maricar. tsaka ko inabit ang cellphone kong tinitipid ang load. Maya maya pa ay binalik rin niya ito .Tinignan ko kaagad ang Balance sa load ko kung nakailang text ba sya .Buti naman ay kaunti lang. Pauwi na ako sa bahay ng may biglang nagtext na number lang. Unknown: Tuloy ba kayo sa Sabado? Me: Sino po sila? Where did you get my number? Unknown: Nakipagtext sayo kanina si Maricar. I'm Ace. Me: Ah pasensya qana,hndi q na cla qasama.Umuwi na q (pajejemon kong reply kay Ace) Unknown: Ah sige .kilala mo ba si James? Me: Ang alam ko boyfriend sya ni Maricar pero never ko pang nakita. Sabi kasi ni Maricar kanina .makikipagtext sya .Narinig ko din kina Jane na Boyfriend nya ang itetext nya . Feeling ko naman .Nagpapanggap lang ang mga magbabarkada kasi si Maricar ay may kayang Estudyante.Tapos makikipagtext sakin ..Nakakaduda rin . Unknown: Alam ko .walang girlfriend si James. gusto mo ilakad kita sa kanya? Me: Sorry, wala akong time sa ganyan . Unknown: Ah sige. Nakipagtext lang din sa akin si James kanina .. pwedeng textmate nalang tayo? Me: Sige .walang problema . Ng hapon na ay ,niyaya ako ng Bestfriend kong si Mylene na maglakad lakad sa bayan .Pasyal lang kumbaga .sakto namang may manliligaw ako na ang pangalan ay Alen .Ewan ko ba bat feeling ko gusto ko din sya kaya kahit wala kaming ginagawa ni Mylene pag naglalakad ay gustung gusto ko kasi makikita kong nagba bike si Alen sa likod ng Simbahan. Doon lang din kasi sya nakatira . Nakasalubong ko si Jane na naglalakad din at tila may ka meet na textmate .Binulungan ko sya ,sabi ko yung James nilalakad sa akin ni Ace na maging Suitor ko daw..Saktong sigaw naman ni Arwin na kaklasi namin .kaya hindi nya ako naintindihan .. Kinabukasan sa School .Galit akong sinalubong ni Tephanie . "Hoy , Michelle , boyfriend mo pala si James" nanlalaki ang mata nya na parang susugurin ako. "Sinong James?" pagtataka kong tanong. "Magmamaang maangan kapa talaga no?"gigil nyang sumbat sa akin at ako'y inirapan .. Sa pagtataka .sinabi ko sa Bestfriend ko ang nangyari .. Maya maya lang ay kinausap ako ng grupo ni Maricar tungkol sa napapabalitang Boyfriend ko daw si James. Tsaka ko hinila si Jane na kagabi lang ay kausap ko. "Totoo namang sinabi mo sa akin diba?" sabi niya sa akin na parang galit pa sa akin .. "Ang sabi ko lang naman sayo nilalakad ni Ace si James sa aking maging suitor" pagtataka ko sa mga akusasyon nyang walang pinanggalingan. (Suitor!!!! di ba nya naintindihan yon) sa isip kong sumasagot sa kanya . "Ang sabi mo Shota" pag aakusa nya sa akin ,na ngayon ay inirapan nya ako at tumalikod na . Nakita ko pa silang nag uusap usap na may mga mapaninsultong ngiti sa kanilang mga labi .Ramdam kong pinapamukha nilang totoong boyfriend ko nga iyong James na kahapon ko nga lang nalaman ang tungkol sa kanila ni Maricar.. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko at nadamay ako sa ganoong gulo na kahit ako hindi ko inisip ang salitang boyfriend man lang . Sa kabalisahan sa nangyayari , tinext ko yung number na kahapon lang ay katext ko. Me : Alam mo ba inaaway ako ng mga kasama ni Maricar. Sinabi ko kasi na nilalakad mong suitor sa akin si James .Akala tuloy nila boyfriend ko siya. Dala na siguro ng murang kaisipan ay ganoon ang aking nasabi at naisip .Dahil ngayon palang ako nakaranas ng akusahan ng mga maling bagay at dahil lang sa di pagkakaintindhan. Unknown: Pasensya kana. ako na ang bahala kay James at Maricar magpaliwanag . Hanggang sa sinave ko na ang number nya .. Ace 0920****899 Araw araw sa pagpasok lagi akong lamannng mga bulungan ng grupo ni Maricar . Feeling ko tuloy may ginawa akong masama kahit wala naman talaga . Nagtuloy ang pagiging textmate namin ni Ace ng ilang mga linggo .Nagpapalitan ng mga tanong na siguro tanging mga mag boyfriend/girlfriend lang ang magkakaintindihan . Komsuta kana? Kumain kana ba? Papasok kana ba sa school? Nakauwi kana ba? Matutulog kana ba? at mga sagot na siguro pati si Jericho Rosales ay kikiligin. Okay lang ako. Oo kumain na ako.ikaw din ha.wag papalipas ng gutom. Papasok na ako sa School..mag aral kang mabuti. ako din:) Kakauwi ko lang,kapagod sa school. Oo matutulog na ako.matulog kana din ha .wag kang magpuyat :)) Hanggang sa tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw sa akin.... Di ako makapaniwala .. Papayag ba ako? Pero never ko pa siyang nakita? Kinikilig ako sa tuwing naiisip kong manliligaw siya . Ano kayang hitsura nya? Magustuhan nya kaya ako pag nakita niya na ako? Mga tanong na pilit na naglalaro sa aking murang kaisipan.. Masyado atang mabilis at parang kahapon lang ay inaaway ako ng grupo ni Maricar tungkol sa Issue kay James .at ngayon liligawan naman na ako ni Ace .kahit di pa kami nagkikita.. Ganon ba pag textmate? Nagliligawan? Naguguluhan ako .iniisip ko kasing never pa yata akong pumayag na may manligaw sa akin . Una si Modesto noong Grade Six .sabi niya liligawan nya ako hanggang sa iniwasan ko nalang siya. Tapos si Romel nung First Year .halos mapuno ng love letter ang bag ko kakabigay nya .Hanggang kay Alen na nagbibigay pa sa akin ng mga ballpen na may kulay ,magresponse lang ako sa mga love letter nya . Pero never I ever imagined na may papayagan akong manligaw sa akin. pero, iba 'tong kay Ace .parang ang gaan ng loob ko sa kanya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD