Eye ball

487 Words
Halos isang buwan na mula noong manligaw sa akin si Ace.. Siguro okay na din 'tong ganitong set up .Bata pa ako ,bawal pang mag boyfriend. Kaya kahit sa cellphone nalang.. Tutal uso naman ang ganon ngayon. Textmate. Lagi din akong niyayaya nina Maricar na pumunta sa Lugar nina Ace para daw magkita na kami ng personal.Pero nauunahan ako ng takot .. *Baka may mangyaring masama*** Well kung gugustuhin ko lang talaga siguro , pwede naman kaming magkita ni Ace .. Nag iingat lang ako .tsaka for my age ,hindi ako pwede sa ganoong set up .. Saturday afternoon, nandito ako kina lola.. sa barangay kung nasaan din si Ace ..sinubukan ko siyang itext para sabihing nandito ako.. Somewhere I feel safe kung sakaling magkita kami .. Cellphone Conversation.. ME: Hello ,nandito ako ngayon kina lola.. sa Casmor St. ACE: Hi! Pwede ba kitang puntahan dyan? Baka mapagalitan ka? ME: Hindi pwede .hehe pero bibili kami sa kanto ng pinsan ko .okay lang na dumaan ka. para makita mo na ako. *** Kinakabahan ako sa kung ano ba idadahilan ko sa pinsan ko kung sakali ..They don't know na may katextmate ako . ACE: Hi, hihiram ako ng motor maya maya.itext mo kaagad ako pag bibili na kayo .para kaagad makadaan ako .. ME: Ok. mga 3pm kaming lalabas sa mismong kanto.. *** 15:00 **** Niyaya ko si Aileen na bumili saglit sa kanto.. "Ai,tara bili tayong chichirya sa tindahan" pagyayaya ko sa pinsan kong dalawang taong mas bata sa akin.. Habang naglalakad kami sa kanto sinabi kona kaagad sa kanya. "Ai,may ka meet ako ne? wag mong sabihin kina lola" kabadong sabi ko sa kanya .Tumango na lamang sya sa akin .Pero nakaabot na kami sa tindahan ay wala parin si Ace..Medyo nagtagal kami sa tindahan.at noong maisip kong parang wala namang dadaan or dadating ay niyaya kona si Aileen na umuwi. "Akala ko ba ate may ka meet ka?" pagtataka niyang tanong habang naglalakad na kami pauwi. "Mukhang di naman tutuloy si Ace, baka naisip niya,di naman niya ako kailangang makita" may lungkot sa akin habang nagsasalita. Nasa gate na kami ni Aileen ng may biglang bumusina sa amin sa likuran.. Sa pagkagulat naming dalawa ay sabay kaming napalingon ni Aileen .. "Hi! Ikaw ba si Michelle?" tanong ng lalaking parang pawisan pa sa pagmamadali. Tumango na lamang ako at kinabahan bigla .Ramdam kong nag init ang aking mukha at para bang biglang sumakit ang aking sikmura.. "Ace?" takha kong tanong .Kamukha nya nga ang lalaking nakita ko months ago sa kanyang Friendster account. But now, he's wearing a Black Shirt "Maharot" printed on it's front. Beach walk slippers . Black and Red motor .. Nagulat ako.. "Nice meeting you" sabi niya. Tsaka na binirit ang motor paalis .. Pagkaalis nya ,siya namang tilian namin ni Aileen ... Imagine how a 14 year old girl and her 12 year old cousin screaming happily "Ang cuuuuuuuttttte"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD