Chapter 20 - Small World

1508 Words
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang pamilyar na kulot na buhok ni ate Faye. "Hi be! We are here again!" matinis ang boses nito at bineso ako. "A-ay  ate Faye hindi pa po ako nakakaligo." nahihiyang saad ko nang maamoy ko ang pabango niya. Nginitian lang ako nito at pumasok na siya sa loob. "Oh my! I miss you be! " biglang sulpot ni kuya Dustin habang dala-dala ang ang dalawang malaking maleta. "H-hello po kuya Dustin!" nahihiya ngunit masayang wika ko. Napansin kong binend niya pa ang tuhod niya para lang ibeso ako dahil sa sobrang tangkad niya. Bakit ang babango nila?! Need ko na talaga maligo ASAP! "Pasok po kayo sa loob." I politely said. "Hello Ms. Parker. " she smiled at me. She's wearing her fitted all black corporate uniform and black heels. Meron siyang white polo sa ilalim ng black na blazer at hindi ko mapigilang mapatingin. Pinagpala talaga sa hinaharap si Ms. Nami. "Hi be!" sambit ni ate Mika at kinindatan ako, habang may bit-bit din na maliit na maleta.  "Hi po Ms. Nami and ate Mika. Welcome po sa loob." I smiled back at them.  "Y-you! W-what are you doing here?!" nagulat kaming tatlo sa sigaw ni kuya Dustin kaya agad kaming dumiretso sa sala. Pagkatungo namin sa sala ay napansin ko ang namumutlang mukha ni kuya Dustin habang tinuturo si Krista na ngayon ay pinupunasan ang dining table na pinagkainan namin. "What happened kuya Dustin?" nagaalala kong tanong. "Artemis d-do you know her?" ani niya habang tinuturo pa rin si Krista. "Anong ginagawa niya dito?" nagmamadali niyang tanong. Napansin kong gulat din ang ekspresyon nila Ms. Nami at ng dalawang Fairygoshmother ko. Nilapitan ko si Krista na mukhang may pinipilit alalahanin. "Siya po pala si Krista, best friend ko po siya tapos editor ko po sa mga novel ko po. Don't worry po hinni niya ipagsasabi yung secret kasi kilala ko na po siya since college po."  Biglang nanlaki ang mata ni Krista. "Aha! I remembered. Ikaw yung guy sa bar na naka one nigh-" nagulat kaming lahat ng biglang takpan ni kuya Dustin ang bibig ni Krista. "Excuse me guys ha! Mag uusap lang kami sandali ng f-friend ko." mabilis na sabi ni kuya Dustin habang hawak-hawak niya ang palapulsuhan ni Krista, at iniwan na kaming tatlo dito sa loob na hindi pa rin alam ang nangyayari. Mahigpit ang hawak ni Dustin sa palapulsuhan ni Krista. "Hey what are you doing?" saad ni Krista. "Bitawan mo ako ano ba!" sigaw ng dalaga. Tumigil ang lalaki sa isang fire exit, sinara nito ang pinto at binitawan ang pagkahawak kay Krista. "I'm sorry, I didnt intend to hurt you." ani ni Dustin sa manly na boses. Ibang iba sa gamit niya na boses noong sila ay nasa loob. "Please keep this a secret!" pagmamakaawa nito. "Oh.... I see what's going on here. Bakit ka nagpapanggap na gay sa loob?" tanong ni Krista. "I-its a long story! Promise ikekewento ko sa'yo yung details next time na may time tayo." Hinawakan ni Dustin ang palapulsuhan ni Krista na ngayon ay medyo namumula. "Sorry ha, masakit ba?" maamong tanong nito sa dalaga. "No don't worry." "Yung about pala sa one n-night stand natin. P-please don't mention it sa loob." namumula ang mukha ni Dustin. Natawa ang dalaga sa reaksyon ng lalaki. "You're a funny guy!" paghalakhak ni Krista. "Ako ba yung first time mo maka one night stand?" the girl smirk. "Y-yes." nahihiyang tugon ng lalaki. "Remember what I will say ha? Kapag makipag one night stand ka, no string attached. Normally kahit magkasalubong tayo sa mall hindi tayo magpapansinan pero since may common na friend tayo, let's just act normal." Nang naglalakad na ang dalawa sa hallway ay muling nagsalita si Dustin. "Promise ha, don't tell sa tatlo kong friends na nasa loob na hindi ako g-gay." bulong nito. "If you keep it a secret, I will grant you one wish. Basta yung kaya ko lang gawin ha?" nahihiyang tugon ng binata. "Okay okay.." at humalakhak si Krista at tinitigan si Dustin mula ulo hanggang paa. Hanggang dibdib lang si Krista ng binata. Malaki ang pangagatawan nito at matangkad din, manly ang totoong boses at  malaki din yung tooot sa baba. Gwapo ito kaya lang hindi ko siya type. Gaano niya kagusto yung girl na handa siyang magpanggap na bakla para lang maging close sa kanya? Sa isip-isip ni Krista. " My name is Krista." ani ng dalaga. "What's your name?" "D-dustin.." nahihiyang tugon ng lalaki. "N-nice to meet you Krista."  awkward na saad ng lalaki habang pabalik sila sa loob. Nagulat kami nila Ms. Nami sa biglang paghatak ni kuya Dustin kay Krista. Magkakilala ba sila? Bakit wala namang nakekwento sa'kin si Krista? "Oh my are you okay Faye?" gulat na saad ni ate Mika kay ate Faye na nabagsak ang make-up palette na hawak niya. Nabasag ang laman nito sa loob at nagkalat sa sahig ang mga make up fragments ng eye shadow. Agad akong lumapit kay ate Faye para tulungan siya. " Ako na kukuha ng walis." saad ni ate Mika. "Ate Faye are you okay?" umis-squat ako ng upo at tinulungan siya. "Y-yes I'm f-fine.." mahinang ani nito. Nagulat ako ng makita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya.  "Hala ate nasugatan ka ba?" nagaalala kong tanong. "Why are you crying?" "H-ha?" gulat niya akong tiningnan at marahan niyang hinaplos ang pisngi niya. "W-why am I crying?" tanong niya pabalik sa akin at medyo tumatatawa pa. Parang siya mismo hindi makapaniwala. Dumating si ate Mika at winalis ang mga make up pallete na nadurog. "Ms. Parker can I talk to you for a second?" nilapitan ko si Ms. Nami at tinabihan siya sa sofa. "Ano po 'yun Ms. Nami?" " I don't want to offend you but I just want to ask if your friend Krista is trustworthy enough to keep the secret?" malumanay ang pagkasabi nito at kita ko ang sinseridad sa mata niya. "Ay opo Ms. Nami. Marami na po kaming pinagdaanan ni Krista before. Subok na subok na po ang friendship namin" I chuckled. " Napakilala ko na rin po siya kay kuya kanina sa video call." masayang wika ko. "Kay L-lyric?" napansin ko ang gulat niyang expression. "K-kamusta na daw ang kuya mo?"  "Okay naman po siya nung nakausap ko siya kanina. Ginood luck lang po niya ako about sa event mamaya. Nag uusap din po ba kayo ni kuya?" curious kong tanong. Biglang namula ang mukha ni ms. Nami at nanlaki ang mata nito. "H-ha? M-minsan lang Ms. Parker, usually about sa'yo at work ang pinaguusapan." pagbuntong hininga nito. "Omaygash girls! Guess what? I found my long lost childhood friend!" sigaw ni Kuya Dustin sa pang-babae na boses niya. Parehas kaming napatingin ni Ms. Nami kay kuya Dustin na naka-akbay ngayon  kay Krista. Awkward namang tumawa si Krista. I smell something fishy... "Seriously sis?!" ani ni ate Mika habang hawak ang brown na coat na naka-hanger. "Small world!" halakhak nito. "Trulalu sis!" saad ni kuya Dustin. " Naalala ko pa na naglalaro kami ng barbie dati e." he chuckled. Napansin kong tumaas ang kilay Krista at agad ding bumalik ang normal niyang ekspreyon. Huli kayo..... Krista hated barbie dahil may trauma siya kay Annabelle at Chucky doll noong bata siya kaya puro teddy bear lang ang meron siya sa kwarto. Pinanliitan ko ng mata si Krista at binigyan siya ng 'you can't lie to me, tell me the tea sis' look. Naintindihan niya agad ito, at nilapitan ako nito. "Later sis." bulong nito. Tahimik si ate Faye na naglalabas ng make up mula doon sa malaking box. Lumapit si kuya Dustin sa tabi niya dahil malapit doon ang maleta ng hairstyling tools ni kuya Dustin. "Omaygosh akala ko nakalimutan ko dalhin yung bagong buy ko na hair spray!" kikay na wika ni kuya Dustin. "na-try mo na ba yung product na 'to Faye?" Lumingon si ate Faye at agad ding bumalik ang tingin sa mga make-up na nilalabas niya. "No." malamig na wika nito. "Ganun ba! Don't worry sis marami akong extra nito sa bahay. Bibigyan kita ng kahit ilang want mo next time." masayang saad nito. "Ayoko niyan." tipid na sagot nito.  Nagulat si kuya Dustin sa sagot ni ate Faye. Malungkot niya na lang nilapag sa table yung hair spray. Mukha siyang aso na ni-reject ng amo. Kumuha ng tissue si Kuya Dustin at marahang pinunasan ang mukha ni ate Faye. "Sis may make-up fragments ka sa mukha." ani nito sa babae niyang boses. Agad tinapik ni ate Faye ang kamay ni kuya Dustin kaya naman nabitawan niya ang tissue at nalaglag sa lapag. "Don't touch me." she said quickly na kinagulat ni kuya Dustin. "I'm sorry, hugasan ko lang yung brush." mabilis na wika ni ate Faye at patakbong nagtungo na sa C.R. Malungkot na pinulot ni kuya Dustin yung tissue at tinapon sa basurahan. Agad kaming nagkatinginan ni Krista dahil sa nangyari. Ano 'tong natuklasan namin?! TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD