3rd Person’s P.O.V
“B-blake?” mahinang ani ni Artemis, "I-is that you?"
Nanuyot ang lalamunan ni Caleb dahil sa sinabi ng Dalaga. “It’s me,” nabasag ang boses ng Bianta, “Caleb.”
Kumunot ang noo ni Artemis at kinusot niya ang kaniyang mata. “I’m sorry, Caleb,” saad ng Dalaga, “ang labo kasi ng mata ko pagkagising, tapos parehas pa kayong black hair.”
“It’s fine baby,” pinilit ngumiti ni Caleb habang hawak ang kamay ni Artemis.
Pinilit ni Artemis bumangon sa pagkakahiga ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya dahil na rin sa gamot.
“Magpahinga ka muna, Lilian,” tugon ng Binata habang inaalalayan humiga ng maayos si Artemis.
“T-thank you,” mahinang ani ng Dalaga habang namumula ang mukha.
‘Is she not happy, that I’m the first one she saw when she woke up?’ sa isip ni Caleb. “So…” tiningnan ng Binata ang maamo at brown na mata ni Artemis, “close kayo ni Blake?”
“No,” Ngumuso si Artemis at marahang umiling. “minsan kaibigan ko siya, minsan naman hindi,” sambit ng Dalaga. Naalala ni Artemis ang mga moments na lagi siyang inaasar ni Blake. ‘Kung hindi niya lang sana ako nabuko e. Edi hindi sana ako napipilitan na pakisamahan ‘yun ngayon’
“So you like him?”
Nanlaki ang mata ni Artemis. “NO,” at marahang napatawa ito.
Seryoso pa ring nakatingin si Caleb sa Dalaga, “Then, you hate him?”
Napatigil si Artemis sa pagtawa at tila may naalala.
Anak ng tokwa! Hindi ba uso ang pahinga sa mga fans ni kuya. Agad kong nasapo ang ulo ko. Parehas kaming napatingin ni Blake, nang may nag-park na TV Station van sa harap ng building.
"Hala 'te, delikado tayo 'pag makita nila tayo dito. Baka pagkaguluhan ulit tayo ng mga tao," wika ko habang nagsisimula nang mamasa ang kamay ko. Kinakabahan talaga ako pag maraming tao sa paligid. Nang iche-check ko sana ang phone ko, nagulat ako ng maaninag ko ang itsura ko. "Oh no no no, B-blake do you have a mirror here?"
"Ito oh," wika niya sabay may binaba siya sa taas na kung ano, kung saan ako naka-upo. Ah dito pala ang salaminan sa bandang taas ko.
"Thank you," mabilis kong sagot. Pagtingin ko sa salamin ay halos nabura na ang eye make-up ko sa mata, na parang eyeliner para maging identical ang itsura namin ni Kuya. Ngayon ay round na round at soft na ang itsura ng mata ko. Mata lang ang feature na na halatang magkaiba sa'min ni Kuya.
"K-kanina pa ba ganito yung itsura ko?" tanong ko kay Blake habang naka turo sa mata ko.
"Yes?" tipid niyang tugon.
"Why didnt you tell me?" medyo nairita kong sambit. Nagkibit balikat lang siya sa'kin. Habang ako ay nagpa-panic na, sobrang relax pa rin ng lalaking to. Wala akong dala na pang-retouch ng make up. Ugh Artemis why?! "I can't be seen like this! Masisira lahat ng pinaghirapan ni Kuya!" medyo naiiyak na ko.
"Okay," I heard him sighed. "Lalabas ako dito, tapos pupunta ako sa kabilang direction, para kapag kaunti na lang yung tao pwede ka ng pumasok sa building." paliwanag ni Blake.
"Ha? Kukuyugin ka ng mga fans mo Blake. You dont need to sacrifice for me." wika ko nang biglang may kumatok sa sasakyan niya.
‘I guess I can’t hate Blake. Kahit na lagi niya kong inaasar, ilang beses niya na rin akong tinulungan na huwag mabuking ang sikreto namin ni Kuya Lyric. It just prove na matatag ang pagkakaibigan nila ni Kuya.’ sa isip ng Dalaga.
“N-no,” mahingang tugon ni Artemis habang nakatingin sa mga mata ni Caleb, “I don’t hate him.”
Tila ba nakaramdam si Caleb nang pagtusok sa kanyang puso. ‘Am I going to loose you baby? Dadating na ba ang araw na makikita kitang sa iba sumasaya, Lilian?’ sa loob-loob ng Binata.
Napatingin ang dalawa nang marinig nilang nag-ring ang cellphone ni Artemis na nakapatong sa corner table. Pinilit ni Artemis bumangon para kuhanin iyon.
“Stay in bed, baby. I will get it for you,” at kinuha ni Caleb ang Cellphone. Halos maestatwa ang Binata nang makita ang caller ID nito.
“Sinong tumawag?” aniya ni Artemis.
“M-master Blake?” mapait na tugon ng Binata.
Agad napatingin si Artemis sa wallclock display na nakakabit sa pader at nakitang 11 PM na ng gabi. ‘Oh fudge! Yung picture! Mamaya pinost na si Blake ‘yun!’ sa isip ng Dalaga.
“Here,” madilim ang mukha ni Caleb, na iniabot ang cellphone kay Artemis.
Dali-daling kinuha ito ni Artemis at sinagot ang tawag. “Hello?” kabadong ang boses nito.
“Sabi mo ikaw ang tatawag? Tapos in the end ako pa rin?” nagkukunwaring galit na tinig ni Blake, habang nasa sasakyan ito na pauwi pa lang galing trabaho.
“I’m sorry, di ako naka-call agad,” aniya ni Artemis sa kabilang linya, “Hindi uso mag hi sa’yo no?” sarkastik na banat nito.
Nanantiling nakatingin si Caleb kay Artemis. Halos mag pintig ang tenga nito nang marinig na nag-sorry ang Dalaga. ‘Oh fvck! Am I just really a phase in your life? It’s not that I didn’t see this coming... Alam kong maraming magkakagusto sa’yo once na lumabas ka sa mundo. Baby, you’re like a rare diamond to me. I can’t even stop others, to see your shine. I can’t hide you and I don’t want to…I want you to choose, on what will make you happy.’ magulo ang isip ng Binata habang pinagmamasdan ang masayang nakikipag-usap na Dalaga.
“I will kill you,” gigil ngunit mahinang tugon ng Dalaga, habang nagkukunwaring nakangiti sa harap ni Caleb, “if you posted the picture. Seriously,” bulong ni Artemis habang tinakpan niya ng kamay niya ang kanyang bibig, para hindi marinig ni Caleb ang sinasabi niya.
‘She really believe that I will do that?’ sa isip ng Binata at Humalaghak ng tawa si Blake. “Ipo-post ko na sana ngayon, kung hindi mo sinagot agad ang tawag. Pasalamat ka na lang, Slavey.”
“You are really crazy!” Artemis rolled her eyes.
“Kakatapos lang ba ng shoot niyo ngayon, kaya hindi ka nakatawag agad?”
“No, sinugod kasi ako sa ospital,” aniya ni Artemis.
“WHAT?” halos mapasigaw si Blake, kaya nagulat ang driver na nagd-drive ng van. “Are you okay now? What happened?”
“Yes, I’m fine now,” saad ng Dalaga, “nakakausap mo na nga ko diba?” pilosopo nito.
“Saang ospital yan? Pupunta na ko ngayo-“
“Huwag!” pagputol ni Artemis, at napatingin siya sa mukhang pagod na mukha ni Caleb. “Okay naman na ako dito, at palabas na rin naman ako. Saka gabi na rin e.”
“Are you sure?” nag-aalalang wika ni Blake, “May kasama ka naman dyan?”
“Oo, sila Ms. Nami, pero bumaba lang sila sandali.”
“So wala kang kasama dyan ngayon?” ani ng Binata sa kabilang linya.
“Meron,” napatingin si Artemis sa naka suite and tie na si Caleb. ‘How can he be this handsome?’ sa isip ng Dalaga. “Si Caleb..”
“I see…” mahinag tugon ni Blake. “Pahinga ka na muna dyan Slavey, saka na kita guguluhin ulit kapag magaling ka na.”
“Luh, parang ewan?” nakataas ang kilay ng Dalaga. “Sige, bye na.”
“Bye Slavey, pagaling ka.” at pinatay na ni Artemis ang tawag.
“Ehem,” tumikhim si Caleb, at doon pa lang napansin ni Artemis ang Binata na nakaupo na ngayon sa upuan, sa gilid ng kama.
Kinuha ni Caleb ang kaliwang kamay ni Artemis at marahang hinilot ito ng Binata.
Marahang napangiti ang Dalaga. ‘Shems nakikiliti ako! Yiee.’
“Baby,” nagsusumamo ang tinig ng Binata, habang nakatingin ng diretso ang pagod na mga mata ni Caleb kay Artemis, “I know, I don’t have the right… but I’m fvcking jealous.”
TO BE CONTINUED