A/n - Hello guys daily update ngayong December. Happy new year sa atin lahat!! 3rd Person's POV Matapos make upan si Artemis ay tila hindin mapakali ang dalaga. 'Asan na ba yun si Krista?' paglingon lingon ng dalaga. Napansin ng dalaga na sobrang busy ng mga tao sa set. 'Kahit siguro mawala ako ng kaunti, hindi naman ata ako hahanapin agad,' sa isip isip nito. Nagulat si Artemis nang biglang bumukas ang pintuan ng girls CR at mabilis na tumakbo ang umiiyak na si Krista palabas dito. "Sis what happened?!" nagaalalang tanong ng dalaga at inakbayan nito ang kaibigan. Agad bumuhos ang luha ni Krista nang makita niya ang pamilyar na mukha ni Artemis. "I can't do this anymore," tila nahihinang saad ng dalaga. Akma naman may dalawang staff ang papunta sa direcksyon ng dalawa kaya naman aga

