Chapter 66 - Planned

1038 Words
 Artemis' P.O.V (Reminder: Kapag repeated chapters ang nakikita niyo, punta kayo sa author's note. Thankie.)   Buong biyahe pauwi sa condo ay nakatingin ako sa labas ng bintana. Akala ko kapag kinausap ko si Mr. Vazques ay makakalaya na si Ana. I’m actually disappointed. To myself. Sa bagay, ano pa bang inexpect ko?    “Hindi ka pwedeng gumawa ng maling bagay at mag-expect ng magandang resulta,” sambit ng Founder. Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Mr.Vazques.   ‘What will happen to me in the future? I think I’m going to hell just by counting the people that I deceived, because of this secret. Basta pinapanalangin ko lang, na hindi masira ang career na pinaghirapan ni kuya Lyric. Kahit ako na lang ang masira.   “Bye po Ms. Nami,” saad ko habang  kinakawayan ang dalawa sa sasakyan.   “Ingat po,” aniya ni Krista sa tabi ko. “Ingat din pabalik Bert.” "Pahinga na kayong dalawa," ngiti sa amin ni Ms. Nami, "rest day mo muna ngayong week Ms. Parker," at kinindatan ako nito. Omaygosh ang ganda ni Ms. Nami! Kuya Lyric, galaw-galalw baka maunahan ka ng mga lalaking umaaligid-aligid dito.   Nag-salute sign si Bert sa aming dalawa ni Krista bago tuluyang paandarin ang sasakyan.   Tahimik kaming dalawa ni Krista habang patungo sa elevator area. Hindi niya pa rin ako kinikibo.   “Sis, galit ka pa rin ba sa’kin?” pa-cute na sambit ko nang nasa loob na kami ng elevator.   “Duh?” Niliitan niya ako ng mata at nag-iwas ng tingin sa akin, “pinagtanggol mo pa talaga yung nanakit sa'yo. Artemis, you're not just a character in your book, this is real life. Hindi mo pwedeng i-justify ang maling action ng babaitiang 'yun!"   “Sorry na sis,” nakangusong saad ko habang ginugulo ang blonde niya na buhok. “Hindi rin naman pumayag si Mr. Vazques na iurong yung kaso e,” nanlulumong wika ko.   Bumuntong hininga si Krista at hinarap ako. Medyo nakatingala siya sa akin dahil mas matangkad ako ng kaunti sa kanya, dahil sa costumize shoes. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.   “Nakakainis ka naman kasi e!” nagsimula na siyang umiyak sa balikat ko, hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap niya. “Alam mo namang ikaw lang yung tinuturing kong pamilya sa balat ng universe na ‘to. Tapos pinag-alala mo ako ng sobra!”   Hinagod ko ang likuran ni Krista at hindi mapigilang mapangiti. “Don’t worry sis, okay na ang pakiramdam ko. I will not make you worry again.”   Kumawala ng yakap si Krista at nakita ko ang mga luha sa gilid ng mata niya, at sininghot pa niya ang mga uhog na muntikan nang tumulo. “Kung may nangyaring masama sa’yo ‘dun ‘pano na 'ko ha? Iiwan mo kong mag-isa sa mundong ‘to?” nakasimangot ito sa akin.   “Sorry na nga Krista e,” naiiyak na rina ko dahil sa mga pinagsasabi ng babaitang 'to.   Pagbukas ng elevator sa 50th floor ay sinamahan ako ni Krista sa loob ng condo ni Kuya. “So bati na tayo ulit sis?” Nakangiting ako ko habang tinatanggal ang customize shoes sa malambot na sofa sa sala.   “Hmm titingnan ko,” tugon ni Krista habang mukhang may iniisip, “samahan mo muna ko bumili ng mga furnitures sa mall at mag-shopping bukas,” malademonyong ngiti niya.   “Sis, alam ko yang mga titigan mo na ganyan,” kabadong sagot ko. Please no, Please no.   “At aayusan kita ng parang barbie bukas!” she exclaimed, "Kyah! I'm so excited!"   “Pero sis, baka kuyugin tayo ng fans,” aniya ko habang kinakagat ang kuko. “Saka alam mo naman yung nangyari dati nung inayusan mo ko. Nilagyan mo ko ng makating maliliit na buhok sa mata. Hindi ko talaga kinaya ‘yun!” pagwawala ko habang yakap-yakap ang throw pillow.   “You mean false eyelashes?” naka-poker face na saad nito. Linapitan ako ni Krista at may nilabas siya sa phone niya. “Tadah!” she looked so excited.   “Ano yan?” nagtatakang wika ko habang nakatingin sa picture ng babae sa phone niya na nakangiti. “I will turn you into this tomorrow hehe!” minsan talaga kahit maamo ang mukha ni Krista ay nagiging mukha siyang demonyo, paminsan-minsan lang naman. “Sweet girl s***h hot girl next door ang peg ko sa’yo bumakas!” at humalakhak ito.   “Please, sis, tell me, inartehan mo lang ba ‘ko kanina sa elevator?” nakataas ang kilay ko. "You better not lie.."   She smiled playfully, “I, don’t, know,” she laughed, “hulaan mo sis.”   “Ay basta!” sumuko na ako sa pakikipagtao sa kanya, “bukas lang ako papayag sa gusto mong gawin ah! Never na ulit mauulit ‘yun. Never, again.”   “Yes, yes Ms. Lilian Artemis,” malokong sagot nito.   “at walang makakating buhok sa mata, please. Kinikilabutan talaga 'ko 'dun,” Tingingnan ko siya ng masama.   “Okay fine,” she rolled her eyes, “’di mo na rin naman need ‘nun kasi mahaba na naturally ang pilik mata mo. Leave the clothes and make -up to me," she smirked at me.   Humikab ako. “Dito ka mtutulog sis?” excited na aniya ko.   “No, no,” saad niya at biglang tumayo ito sa pagkaupo sa sofa, “i-pprepare ko pa ang damit at make-up natin for tomorrow no,” bulalas nito, “ang tagal na kitang gutso i-dress up ulit no. Buti na lang talaga…”   Sinamaan ko siya ng tingin, “you took advantage of me!” Tinawanan lang ako ng magaling kong kaibigan bago siya umalis sa condo.   Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko at eight na ng gabi. I still need to chat Caleb, that I'm home. Baka mag-alala 'yun. Pagkabagsak ko ng katawan ko sa malambot ko na kama ay agad na akong nawalan ng malay.    Habang mahimbing na natutulog si Artemis ay  biglang tumunog ang cellphone niya sa kalagitnaan ng gabi, at nakatanggap ng mensahe.   From: Krista – Sleep well sis cuz I’ll turn you to girl that everyone will simp. TO BE CONTINUED    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD