3rd Person’s P.O.V
“Ma’am, ano pong sabi ni Ma’am Krista po?” magalang na saad ng Binata.
“Ay papunta na daw po siya dito,” saad ni Artemis. “By the way Kuya, ano pong name niyo?”
“Ako po si Bert, Ma’am Artemis,” kapag ngumimgiti si Bert ay laging sumasama ang maamo niyang mata, “Nice to meet you again po ma’am.”
“Nice to meet you din po,” awkward na tumawa si Artemis, “saan niyo po ba ako unang nakita?”
“Dati po ma’am, noong bumisita po kayo sa mansyon po, kasama niyo po si ma’am Krista.”
‘Ah noong tinulungan ko si Krista na iuwi yung malalaking maleta na pula, na binili niya. Ito kasi si babaita biglang napagtripang bumili ng malaking maleta, at hindi lang isa 'ku'ndi tatlo pa. Usapan namin titingin lang sa watsons tapos biglang naisipang bumili.’ sa isip ng Dalaga at napabuntong hininga ito. “Ah bale bodyguard po kayo ni Krista?” nakangiting saad ni Artemis.
“Ay hindi po ma’am. Pinatulog lang po ako ngayong gabi ni ma’am Krista dito, pero aalis na rin po ako pagdating niya mamaya po," kita ang pagbagsak ng ekspresyon ng mukha nito, "Natanggal po kasi ako sa trabaho bilang driver, sa mansyon po."
“Hala Bert sorry…” malungkot na ani ni Artemis. “May I know what happened?”
Kwinento ni Bert ang nangyari mula umpisa hanggang sa makarating siya sa condo ni Krista. Naiwang nakabagsak ang panga ni Artemis nang matapos ang kwento.
“Grabe talaga yung kapatid ni Krista, sorry talaga Bert ha,” at bumuntong hininga ang Dalaga. ”naku ‘pano na yung nanay mo niyan?”
“’Yun nga din po ang iniisip ko ma’am. Kaya balak ko pong pumunta ng divisoria mamaya po. Mag-a-apply po akong kargador o taga-benta po ng paninda.”
‘Kawawa naman siya. Ipapasok ko na lang kaya siya sa company namin.’ sa isip ni Artemis.
“Bert, may experience ka ba sa pag-xe-xerox ng mga papel?” sambit ni Artemis at muling ininom ang cold choco.
“W-wala po ma’am e. Pasensya na po. High school graduate lang po ang natapos ko sa probinsya ma’am.”
Bigla sila napatingin sa way ng pintuan nang nakarinig sila nang doorbell, kaya naman agad pumunta si Artemis sa may pintuan at binuksan ito.
“Hi sis!” masayang bati ni Artemis at agad nakita ang lukot-lukot na dress ni Krista. “Wow hot night,” pang-aasar nito.
“Good morning sis!” sagot ni Krista. “'Enebe alam mo na yan!” maarteng saad nito. “Hindi muna kita mabeso, ‘di pa ko naliligo e.” ani ni Krista habang papasok sila sa loob.
“Oo sis, amoy s*x ka,” at humalakhak si Artemis.
“Wow naman, 'kala mo talaga nakakita na ng t*mod,” sagot ni Krista.
“Hoy bunganga mo sis! Ang aga-aga pa!” at humalakhak ang dalawa. “ And I don’t know what you’re saying sis, I’m an angel kaya!,” at nag-prayer sign pa si Artemis.
“Nagmamalinis na naman jusko!” natatawang saad ni Krista, “Parang hindi pinagsabay si fafi Blake at fafi Caleb ha?”
Tila nalaglag ang panga ni Artemis at napataas ang kilay nito dahil sa narinig niya. “Hala girl! Anong pinagsabay? Saka bakit nasama si Blake dito aber?” halata ang pagtataka sa mukha ni Artemis.
“Poor Blake,” at napabuntong hininga si Krista. “Ito na maliligo na agad ako para makapag-breakfast na us.”
Pagkaupo ni Artemis sa sofa ay nag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa. Pagtingin niya ay mabilis niyang sinagot ang tawag.
“Hello po Ms. Nami!” masayang bati ng Dalaga.
“Good morning Ms. Parker. I’m outside your condo now.”
“A-ahm, Ms. Nami wait lang po ah?” tugon ni Artemis at pumunta ito sa may labas ng C.R. “Krista, nasa labas ng condo ni kuya Lyric si Ms. Nami. Can I invite her here? or doon na lang tayo sa taas mag-breakfast?”
“Sis, keri lang papuntahin po dito si Ms. Nami. Dito na lang tayo mag-breakfast!” sigaw ni Krista habang rinig ni Artemis ang tunog ng shower sa loob.
“Okay sis!” muli nang bumalik si Artemis sa pagkakaupo. “Hello po Ms. Nami?”
“Yes Ms. Parker?” sagot nito sa kabilang linya.
“Nandito po kasi ako ngayon sa bagong unit po ni Krista," paliwanag nito, "Sa 10th floor po Ms. Nami. Pwede dito na lang po kayo pumunta hehe? Pasensya na po sa abala,” nahihiyang saad ng dalaga.
“It’s okay, no problem. Just send me the unit number.”
“Okay po, salamat,” at pinutol na ni Artemis ang tawag.
Ilang minuto ang makalipas ay tumunog na ang doorbell. “Ako na po ang magbubukas ma’am Artemis.” sambit ni Bert nang makitang patayo na ang Dalaga.
Pagbukas ni Bert sa pinto ay bumungad ang magandang babae na maputi at may pagka-chinita ito. “Hello po, ito po ba ang unit ni Krista?” magalang na saad nito.
“Yes po ma’am. Welcome po sa loob,” sambit ni Bert nang nakangiti, at ginuide na paloob ang Bisita.
“Good morning po Ms. Nami!” bati ni Krista na nakapagpalit na ng puting t-shirt at maong na short habang may towel na puti ito sa kanyang ulunan.
“Hi po Ms. Nami!” bati naman ni Artemis. “Upo po kayo. Huwag po kayong mahiya. Feel at home lang po,” at humalakhak si Artemis.
Magkatabi ngayon sa malaking 3 seater sofa si Nami, Artemis at Krista habang nakatayo sa gilid si Bert.
“Uy Bert upo ka dito, huwag kang mahiya,” aya ni Krista sa Binata at umupo naman ito sa single seat sofa na kaharap nila.
“Grabe ang sakit ng paa ko kakalad. Nag-commute lang ako papunta dito,” sambit ni Nami habang hinhilot ang paanan niya.
“Bakit po Ms. Nami? Asan po si Mang Kanor?”
“Umuwi ng probinsya kaninang madaling araw," bumuntong hininga ang dalaga, "Nalaman kasi niyang may cancer yung asawa niya,” malungkot na saad ni Nami.
“Hala grabe. Sana um-okay na din ang pakiramdam ng asawa ni mang Kanor,” ani ni Artemis.
“Bakit kayo nag-commute Ms. Nami?" curious na saad ni Krista. "Kwento sa akin ni Artemis dati, na parang castle daw sa laki yung bahay niyo tapos may pa-butler pa daw?” curious na saad ni Krista.
Agad namang pinanlakihan ng mata ni Artemis si Krisita.
Napatawa lang si Nami. “Actually marami kaming driver sa bahay, kaya lang mamaya may makakita kay Artemis. Si mang Kanor lang yung pinagkakatiwalaan ko na driver tungkol sa sikreto natin,” mapait na ngumiti si Nami.
“Oh I see…” sambit ni Krista.
“Wait Ms. Nami, so you’re saying we need to hire a new driver?” diretsong nakatingin si Artemis.
“Yes Ms. Parker. Need natin yung mapagkakatiwalaan natin sa sikreto. Alam mo naman sikat ang Kuya mo, mahirap na,” mahinang sambit ng Dalaga.
“Let’s just hire Bert!” pasigaw na saad ni Artemis. Agad naman napatingin si Bert, na ngayon ay straight na straight ang likuran na nakaupo sa sofa, hindi man lang sumandal sa backrest.
“Good idea sis!” at hinampas ni Krista sa braso si Artemis. “I really like this brainy side of yours.”
“Aray makahampas ha!” at pinalo ni Artemis ng throw pillow si Krista.
“Sorry na sis!” paghalakhak nito. “Ito na nga seryoso na,” at tumikhim si Krista at tiningnan si Bert. “Ms. Nami halos one year din po namin siyang naging driver at maayos naman po siya makisama sa amin.”
“Actually, I don’t have the rights to hire him because Lyric is our boss,” napatingin si Nami kay Artemis, “it means you will be the one to decide, Artemis.”
Mabilis pa sa kidlat na tumayo si Artemis at naglahad ng kamay sa nakaupo na si Bert. Dali-daling tumayo ito at tinanggap ang kamay ni Artemis. “You’re now hired, Bert.”
"Maraming salamat po talaga ma'am! Salamat po!" halos maiyak-iyak na tugon ng Binata.
Dumating na ang pagkain na inorder ni Krista at sabay-sabay na kumain ang lahat sa dining table.
"Kaya nga pala napa-aga ang punta ko. Nag email kasi yung commercial na nag-offer sa'yo. Need na daw nila ng answer asap kasi inaayos din daw nila ang schedule ng sikat na star na makaka-work mo," sambit ni Nami matapos ubusin ang pagkain niya. "What should I tell them Ms. Parker?"
Tila ba naalala ni Artemis ang sinabi sa kanya ni Caleb kagabi.
Hinawakan ni Caleb ang kamay ko at pinag-intertwine ito sa kanya, at tiningnan niya ako sa mata. “Baby don’t be scared. You are not alone in this secret. You have me, and I also noticed that your glam team looks reliable, and kind to you.”
“Yes they are. Ang babait nila sa akin. Sobra,” mahinang tugon ko.
“ at kung sakaling mabuko ka man baby hindi kita pababayaan," seryosong saad niya, "I will tell them I’m the one who make you do it ,and I will sue every mouth that will say something bad about you. I won’t let them harm you or even let them touch your foot. You can use me baby," at marahan niyang hinawakan ang pisngi ko, "I don't care about my name. I will never abandon you. Use me baby because I'm yours.” Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatingin sa aking mata.
Huminga ng malalim si Artemis at nagsalita, "Please tell them that I will do it."
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.