A/n: Happy reading to guyss. Daily update tayo ngayong December. 3rd Person's POV "And cut!" sigaw ng director. "Bravo bravo!" bulyaw nito at pumalakpak din ang mga staff. "Thank you po, thank you," pag-b-bow ni Artemis sa bawat staff na bumabati sa kanya. "I can't believe na matatapos natin 'tong shoot na 'to," at natawa ang director ngunit napatigil ito nang makita ang masamang titig ni Eion sa kanya. "W-well done everyone!" pag-was ng direktor sa nakatingin na binata. Tumikhim si Eion, "Well done Lyric," nakangiting ani ng binata. "Thank you Eion, you too," sambit ni Artemis. Napatingin ang dalaga sa likuran ni Eion kung nasaan naghihintay sila Krista at Dustin na kinakawayan siya ngayon. "Uhm actually I want to talk to you about something," aniya ni Eion. "What is it?" tila dis

