SA awa ng Diyos ay bumuti naman ang lagay ni Mommy Aurora. Pagkalipas ng isang linggo na pagpapagaling niya sa ospital ay pinayagan na siyang lumabas ng mga doctor. Inuwi namin siya ni Xander sa Maynila para personal namin siyang mabantayan. Dahil kasi sa mga negosyo ni Xander ay mahirap para dito kung kami ang lilipat sa probinsya. Lalo at madalas na may out of the town o kaya naman ay out of the country itong negosyo na pinupuntahan. Mahirap ng ipagkatiwala lang si Mommy Aurora sa mga katulong lalo na ngayon sa kalagayan nito. Madalas itong atakihin ng asthma niya dahil sa madalas na pagiging emosyonal na dahilan para mahirapan ito sa paghinga. Kung hindi ito umiiyak ay tahimik naman ito sa isang tabi at malayo ang tanaw. Kukuha sana si Xander ng private nurse ngunit nagpresenta akon

