Para akong sira ulo na nakahiga sa sahig matabi ang dustpan, walis saka pamunas sa shelf. Para akong tanga na nakatingala sa kisami ng library. It's already seven in the evening pero nandito pa rin ako sa loob. Natapos ko naman na ang paglilinis at sa buong araw na paglilinis ko, parang hinigop ng shelf buong lakas ko.
Now, I need to return all rhe books. Pweo dahil hindi ko na matandaan ang puwesro ng mga ito. I filed them according to it's color. Pinagsama ko ang magkakapareho ng kulay.
Inuna ko ang pinaka nasa itaas bahagi. Isa isa kong isinalansan lahat kaso nga lang. Dahil sa bigat ng mga libro, hindi ako komportable sa naging posisyon ko. Ang bibigat ng mga libro at nagdadala ako ng lima hanggabg anim na libro para lang mapabilis ako.
Nang muli akong makababa at muling kumuha ng libro, umakyat sa hagdanan doon nagsimulang umuga ang hagdanan na gawa sa kahoy. Panay na rin ang tunog nito dahil sa kalumaan.
Nang iapak ko ang aking paa paitaas, doon bumigay ang kasunod na kahoy na siyang inapakan ko.
Nawalan ako ng balanse, nahulog ang mga dala kong libro at napabitaw ako sa pagkapit sa gilid ng hagdan. Tuluyan ding napadausdos ang isa ko pang paa at nasira ang iba pang baitang kaya deretso akong nahulog kasunod ang pagkatumba ng hagdanan.
Napaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa semento. Mabuti na lang at hindi ako nauntog dahil baka mawalan ako ng malay.
Biglang bumukas ang pinto ng library. Magkasunod na pumasok si Sir Terrence na hindi ko alam na dumating pala pati na si Giovanni.
"f**k! Eliz!" Sigaw ni Sir T. Agad niya akong nilapitan. "Are you okay?"
"Sir T? Nandito ka pala?"
"Itatanong mo talaga 'yan sa kabila ng nangyari sa'yo?"
"Ayos lang naman ako. Nasira lang 'yung hagdanan kaya ako nahulog." Sabay naming nilingon ang hagdanan na nasa gilid ko na kasabayan kong natumba kanina.
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya. inalalayan niya akong makatayo. Pinilit kong huwag ipahalata sa kanya ang pagsidhi ng kirot sa likuran ko. Medyo malakas yung impact sa pagbagsak ko.
"Babalik na ako sa trabaho." saad ko.
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
Pinilit kong ngumiti. Ayukong makita niya ang pananakit na nararamdaman ko.
"Ayos lang ako." I smiled at him reassuring him that I was perfectly fine.
"Okay, lalabas na kami. Kakausapin ko pa si Giovanni."
Tumango tango ako. Napansin ko pa si Giovanni na nanatili lamang sa pinto at malalim ang pagkunot ng kanyang noo.
Nang maunang lumabas si Sir T at umalis ay hindi siya agad na sumunod. Tiningnan niya muna ako ng maigi.
"We'll talk later." He said. He sounds mad. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapalunok dahil sa lamig ng bose niya.
-
Naghanap ako ng pwede kong paglagyan ng mga libro, inayos ko muna ang mga ito. Niligpit ko na rin ang hagdan pati na ang mga parte nitong nasira at isinantabi pansamantala.
Lumabas ako ng library at tinungo ang kusina para sana kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Pero hindi ako natuloy sa pagpasok dahil nandoon si Giovanni at Sir T. Masinsinan na nag uusap.
"Trust her, Gio. She's not like your ex."
"Ang daling sabihin Renz at hindi mo rin ako masisisi. You know what I've been trough."
"Yeah, I know that. But believe me. Eliz is way different from your ex."
"I don't know," Giovanni answered.
Hindi ako tumuloy sa pagpasok sa kusina. Dumeretso ako sa quarters ko para maligo at magbihis. Init na init na ang pakiramdam ko gusto kong mapreskohan.
Mabilis ang kilos ko ng makapasok ako, agad kong kinuha ang gamit ko para sa pagligo bago pumasok sa sariling banyo.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasan ang mapaisip. Nahihirapan akong kunin ang loob ni Giovanni. Nahihirapan siyang magtiwala dahil sa nakaraan niya. Nahihirapan na rin ako.
Pero kailangan kong magtiis. Asawa niya ako kaya kailangan kong magtiis. Hihintayin ko ang pagdating ng araw kung kelan tuluyan ko ng makukuha ang tiwala niya.
Matapos kong makaligo ay lumabas ako ng banyo at agad na nagbihis ng pang ibaba. Tiningnan ko ang likod ko sa salamin. Wala namang pasa pero masakit. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Mabuti na lang talaga at hindi ako nauntog kanina." Saad ko sa aking sarili.
Mabuti na lang talaga.
-
Sa hapunan magkasabay na kumain si Sir T at si Giovanni. Pinag uusapan naman nila ngayon ang tungkol sa mga naiwan na negosyo ni Giovanni na si Sir T ang kasalukuyang namamahala.
Wala pang balak na bumalik si Giovanni sa trabaho pero titingnan niya ang mga reports pati na ang mga kakailanganing pirmahan na mga papeles. Ibig sabihin mananatili ako rito hanggat nandito rin siya.
I sigh heavily.
Pinilit kong huwag pakinggan ang usapan nilang dalawa. Magkakasabay naman kaming kumain kasama si Ate Fe. Pero kaming dalawa ni Ate ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.
"Nagkita kami ni Samantha noong nakaraan." pag iiba ni sir Terrence sa usapan.
"Samantha?"
"Samantha Royal. Your ex."
Napansin ko ang pagdaan ng tingin sa akin ni Giovanni. "What about her?"
"She's looking for you."
"Don't tell her where I am."
"Of course." Dumako sa akin ang tingin ni Sir Terrence umiwas ako ng tingin at napunta kay Ate Fe na nakatitig din pala sa akin.
May ibig sabihin ang mga tingin na ibinibigay nila sa akin.
"I've heard that she married a Dom." said ni Giovanni. His eyes were on his food already ng malingunan ko.
"Yeah, and that DOM is dead. Kaso wala siyang nakuha dahil sa mga utang nito." sagot ni Sir Terrence.
Napailing iling si Giovanni. "I just can't believe people like her exist."
Napakagat ako ng labi, guilty ang nararamdaman ko. Maging ako man ay pumayag sa alok ni Sir Terrence na pakasalan ang walang malay noon na si Giovanni. Because of money. Para makatapos ako ng pag aaral, para gumanda ang buhay ko.
I was silent the whole dinner. Walang ni anumang salita ang lumabas sa bibig ko.
Nang lumalim ang gabi, ay sa guest room natulog si Sir Terrence. Nasa sariling silid na rin si Ate Fe. Maging si Giovanni ay nasa silid na rin niya.
Nasa loob ako ng quarters, iniisip ako ang mga bagay bagay na nangyayari sa akin ngayon. Nakaupo ako sa kama at nakatingin sa salamin.
Hindi talaga malayng mangyari na oras na malaman ni Giovanni ang tungkol sa akin. Magagalit siya. Kamumuhian niya ako. Pumirma ako sa kontrata dahil sa pera niya.
Hihiga na sana ako ng bigla na lamang bumukas ang pinto nitong kwarto ko. Agad na lumuwa ang mga mata ko ng makita siyang nakatayo doon. May hawak na maliit na bote.
"S-sir Gio, b-bakit po?"
-