ALDEN: MABILIS na kumalat ang balita tungkol kay Larah sa buong bansa sa tulong ni Daddy Adrian. Kaagad ding kumilos ang mga otoridad na nagdagsaan dito sa isla para halungkatin ang buong lugar para mahanap ang anak ng Presidente! Nakatulong din ang reward money kung saan marami ang nagti-tip na civilian sa mga otoridad na namataan ang dalawa. Si Larah at ang kasama nitong tinatawag niyang Kuya Darwin. Para akong masisiraan ng bait na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang lumilipas ang oras. Natatakot din ako sa kalabasan ng paghahabol ko kay Larah dahil baka lalo lang itong lalayo dala ng takot. "Larah honey. Bumalik ka na sa akin, please? I'm logging for your love, honey. Mis na mis na kita," piping usal ko habang hinahaplos ang wedding ring naming suot ko. KINABUKASAN ay ma

